Bola 60

485 33 0
                                    


Bola 60

SABADO, maagang gumising si Ricky para sa kanyang palagiang ginagawa. Kahapon nga ay hindi niya ito nagawa dahil sumakit ang kanyang katawan dahil sa game nila noong Huwebes. Kagabi nga ay naka-chat na niya si Harold Salazar, at mamayang hapon, sa oras na alas-kwatro ay pupunta siya ng Lalud para labanan ito. Ang sinabi niyang kagustuhan niyang hindi na ito maglaro ng basketball kapag natalo niya ito ay naisip lang niyang sabihin. Gusto lang niyang ilampaso ito dahil pakiramdam niya ay masyado itong bilib sa kanyang sarili.

Kagaya ng palagi niyang ginagawa, matapos ang push-ups at sit-ups ay lumabas na siya ng kanilang bahay na dala ang kanyang bola. Pinatalbog niya iyon habang tumatakbo. Maririnig na naman sa paligid ang tunog niyon. Ang iba ngang ka-barangay niya ay lumabas para siya ay batiin.

"Ang aga niyang Mendez! Sana manalo kayo next game!"

Isang nagtitinda naman ng pandesal ang biglang itinigil ang bike sa tapat niya para bigyan siya ng dalawang piraso ng tinda nito. "Napanood ko ang game mo, ang galing mo brad!" masayang winika ng lalaki at ngiti naman at pasasalamat ang isinagot ni Ricky.

Napadaan din siya sa tapat ng tindahan ng magkapatid na Karim at tila inaabangan siya ng mga ito.

"Ricky, pagbalik mo, tumigil ka rito at magkape!" ani Florante na nakasuot ng shorts at sando. Ganoon din si Adolfo, at ani ng dalawa ay magja-jogging daw sila mamaya pagkatapos nilang ayusin ang kanilang binubuksang tindahan.

"Salamat mga kuya. Sige po!" ani naman ni Ricky na nagpatuloy na sa kanyang pagtakbo.

Nakarating na siya sa kabilang barangay at napatingin siya sa bahay nina Rich. Bukas ang gate ng mga ito at naroon ang tatay ng dalaga na nakatayo. Pagdaan nga niya rito ay tinawag siya nito.

"Ricky? Tama ba?" ani ng tatay ng dalaga.

"O-opo! B-bakit po?" tanong ni Ricky na kasalukuyang pinupunasan ang kanyang pawis gamit ang dala niyang puting towel.

"Iniwan ko ang anak kong si Rich sa barangay court ninyo. Hinihintay ka niya roon," sagot nito at bahagyang nagulat si Ricky.

"P-po? Wala po siyang kasama doon," wika ni Ricky at nakaramdam siya ng pag-aalala sa dalaga.

"May isang teamate mo ang nandoon. Mukha namang mabait kaya iniwan ko siya roon," sagot ng tatay ni Rich at napaisip si Mendez kung sino iyon.

"Zalameda ang nasa likod ng kanyang jersey."

Nakahinga nang maluwag si Ricky nang marinig iyon. Si Rodel pala iyon, ang kakampi niya sa CISA.

"Sige po, babalik na po ako," paalam ni Mendez dito nang nakangiti.

"Ricky! Ikaw na ang bahala sa dalaga namin. Inspired iyan dahil sa 'yo. Ikaw ang dahilan kaya nakita uli namin iyang ngumiti. Kaya... Maraming salamat sa iyo!" nakangiting sinabi ng tatay ni Rich na ikinangiti lalo ni Ricky.

"A-ako po?" napatawa pa rin nga si Mendez at pagkatapos ay nagpaalam na siya ng tuluyan. "Sige po... Nakakatuwa naman pong marinig na may na-inspired ako."

Pakiramdam ng tatay ni Rich ay may gusto rin ang kanyang anak sa binatang ito. Napapansin nila itong mag-asawa pero hahayaan na lang niya ang mga itong makatuklas noon. Kung sakali mang ang binata raw na ito ang maging boyfriend ng anak nila ay okay na okay sa kanilang mag-asawa.

"Mag-iingat ka! Ikaw na muna bahala sa anak namin. Pasabi na i-chat kami kapag magpapakaon na siya," huling sinabi ng tatay ni Rich at tumango naman si Ricky at nagpatuloy na muli sa pagtakbo habang pinapatalbog ang bola sa mga kamay niya.

Napahigop sandali si Ricky ng kape sa grocery nina Karim bago tuluyang pumunta sa court na malapit sa kanila. Pagdating niya roon ay nandoon si Rich at nagpapatalbog ng bola sa may freethrow line. Ang saklay nito ay nasa ilalim ng basket.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now