Bola 73

491 33 0
                                    


Bola 73

PANSAMANTALANG huminto ang sinasakyang van nina Ricky sa tapat ng Tamaraw Falls na makikita sa daan papunta sa mismong sentro ng Puerto Galera. Isa ito sa mga atraksyon na makikita bago makarating sa poblacion at karamihan ng mga nagbabakasyon at pumupunta sa bayang ito ay humhinto rito. Sa tabi ng kalsada ay naroon ang CR at ang mga nagtitinda ng souvenirs. Sa ilalim ng tulay ay naroon ang isang resort para sa mga gustong maligo sa malamig na tubig na nagmumula sa itaas ng bundok.

Pero ang kadalasang nangyayari rito ay ang magkuhanan ng litrato ang marami habang nasa likuran ang mataas na falls. Makikita rito ang malinis na tubig na bumabagsak sa ibaba. Sa harapan nito ay makikita ang pagdaloy noon papunta sa ilalim ng tulay. Sa tabi ng kalsada ay naroon din ang mga estatwa ng hayop na Tamaraw na tanging sa Mindoro lamang matatagpuan at may nakatayo ring estatwa roon ng katutubong Mangyan.

Bumukas ang pinto ng van at nagsilabasan ang mga sakay noon sa pangunguna ng mga nasa unahan.

"Mag-picture muna tayo sa harap ng falls!" bulalas ni Arlene na nakabukas na agad ang camera ng kanyang phone. Pagkakita nga niya sa talon ay kinuhanan niya kaagad ito ng litrato.

Maririnig sa buong paligid ang agos at bagsak ng tubig.

Huling lumabas sina Andrea at Ricky na bago pa man bumaba ay nagkatinginan pa na tila may ibig-sabihin.

"M-magsi-CR lang ako," nangingiting wika ni Ricky at biglang pinamulahan ng pisngi si Andrea.

Bumaba ang dalawa at nakita ng dalaga na parang nahihiya si Ricky kaya bago ito pumunta sa CR ay hinawakan niya muna ito sa damit. "Wait kita rito. Bilisan mo!" ani ng dalaga at tumango naman si Ricky na dumiretso na sa kanyang target na lugar.

Nakahinga nang maluwag si Ricky at pagdating niya sa CR ay may isang babae ang nakaupo sa harapan noon na kasalukuyang hawak ang isang lalagyanan ng pera. Bahagyang nabigla pa nga si Ricky nang mabasa kung magkano ang pag-ihi roon.

"Trenta pesos? Bakit ang mahal? Sa palengke, tres lang," wika niya sa sarili kaso, wala na siyang choice kundi ang magbayad. Inabutan niya ng fifty na papel ang ale at sinuklian siya nito ng apat na lima. Dumiretso na si Ricky sa loob at napangiti siya dahil malinis at mabango roon.

Umihi siya at nakaramdam ng kaginhawaan. Humupa na rin ang pagtigas ng kanyang ari na kanina pa niyang pinapahupa sa byahe. Matapos noon ay ipinasok na niya uli iyon sa loob ng kanyang brief, kaso, may kaunting kirot pa rin siyang nararamdaman sa kanyang pantog. Napailing na nga lang siya at mabilis na naghugas ng kamay sa gripo matapos buhusan ng tubig ang loob ng bowl.

Ikinalma niya ang kanyang sarili at lumabas. Nakita niya si Andrea na nakatayo sa may gilid ng van. Habang papalapit siya rito ay napangiti siya. Ngayon lang niya muling napagmasdan nang maayos ang dalaga.

"Girlfriend mo ba ito Mendez? Baka ginayuma mo lang ito?" wika niya sa kanyang sarili at sa paglapit niya rito ay siya namang mabilis na pagbigay ng isang matamis na ngiti nito sa kanya.

Napansin ni Andrea na napapatawa si Ricky. Kaya nang humawak siya sa bisig nito bago tumawid sa kabilang side ng kalsada kung nasaan ang falls ay nagsalita ito.

"Ano na namang iniisip mo Mendez? Ikaw ah," wika ni Andrea at si Ricky ay napaakbay na lang sa dalaga at mabilis na sinabing wala. Sa pagtawid nila sa kabila ay siya naman pagtawag sa kanila ng mga kasamahan nila. Group picture daw. Doon na nga nagsimulang kuhanan ng bawat isa ang kanilang sarili. Sila na magkakasama at ang mga mag-partners na magkatabi habang nasa likuran ang magandang tanawin mula sa falls.

Gamit ang phone ni Andrea ay kinuhanan ng dalaga ang lugar. Kasunod noon ay ang paghila niya kay Ricky palapit sa kanya. Nag-selfie sila at napakunot ng noo ang dalaga.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now