Bola 51

412 36 1
                                    


Bola 51

"ISANG bagay ang dapat mayroon ka Mendez, kapag ikaw na ang naging ace player ng CISA..."

"Isang bagay na wala ako."

Magkasama sila ni Macky noon na nagpapahinga matapos ang kanilang practice. Si Ricky, pagod na pagod sa kanilang paglalaro kahit madilim na sa labas ng school.

"Ace player? Hindi ko pinangarap na maging ace player..."

Seryosong pinagmamasdan ni Mendez ang bumabang players mga taga-Lalud. Naaalala niya nang malinaw ang mga sinabi ni Macky Romero sa kanya nang araw na iyon. Ang huling practice nila na magkasama.

"Huwag na huwag kang magpapakita ng frustrations sa team. Huwag na huwag kang panghihinaan ng loob--- Ipakita mo sa kanila na magiging okay ang game. Tambak man, talo man---Ang importante, ipakita mo sa kanila ang kompyansa mo at ang tiwala mo sa kanila bilang mga kakampi mo."

"Alam mo Mendez, nakita kong kaya mo iyon. Hindi ko nagawa iyan sa CISA at gusto kong gawin mo iyon sa mga magiging kakampi mo. Ipakita mo na mananalo kayo. Ipakita mo na hindi pa tapos ang oras!"

61-65 ang score, pabor sa White Sharks at tatlong minuto na ang lumilipas sa second half.

Dumating na sa harapan niya si Alfante na dala ang bola. Kalmado niya itong dinipensahan. Pasimple rin niyang tiningnan kung nasaan si Morris. Kagaya ng inaasahan niya, hihingin nito ang bola.

Ipinasa kaagad ni Rommel ang bola sa kanilang ace player. Tumakbo palayo si Alfante at hinabol agad ito ni Ricky upang bantayan. Ang crowd ay nag-ingay muli nang mahawakan na muli ni Serna ang bola. Seryoso siyang binantayan ni Carlo Cepillo nang sandaling iyon.

Pero, isang maliksing paghakbang at nagawa kaagad ni Morris na malampasan ang bumabantay sa kanya. Ang team naman ng Lalud ay maayos na gumagalaw upang bigyan ng espasyo ang kanilang ace player.

"Kaya mo iyan Morris Serna!"

"Red Mamba! Red Mamba!"

Napapangiti na nga lang si Mover Flores kapag naririnig ang bansag na iyon. Dati ay si Serna lang ang may hawig na bansag sa player na si Kobe Bryant, kaso nang pumasok siya sa inter-barangay at nagkampeon ay binigyan na rin siya ng bansag na kahawig dito---Hindi niya ito gusto, pero nakasanayan na niya.

Sina Karim at Manong Eddie ay seryosong pinagmasdan ang papalapit na si Serna. Kung tutuloy ito sa basket ay pipigilan nila ito kahit malibre pa ang kanilang mga binabantayan.

Paglampas ni Morris sa free throw line ay seryoso niyang pinagmasdan ang dumipensa sa kanyang si Karim. Isang matangkad na sentro ito sa mga mata ni Serna pero wala siyang pakialam dito. Sa taglay niyang bilis ay nagawa niya itong lampasan. Isang magandang ball handling ang kanyang ginawa at sa huli ay si Eddie naman ang dumipensa sa kanya. Sabay silang tumalon at mabilis na naigalaw ni Serna ang kanyang kamay na may hawak sa bola. Isang lay-up ang kanyang ginawa na nagpatayo sa kanyang mga supporters.

"Ang galing ni Morris Serna!" bulalas ng karamihan.

"Depensa na!" sigaw ni Morris na mabilis na tumakbo sa side ng Canubing para hintayin ang mga ito. Kahit na parang umepekto sa kanya ang nangyari kanina ay iwinaglit niya iyon dahil alam niyang wala sa Panthers ang pipigil sa kanya.

"Hindi ako mapipigilan ng isang Ricky Mendez," seryosong sinabi ni Morris sa kanyang sarili at malakas niyang sinabihan ang kanyang mga kasamahan na huwag papuntusin ang Panthers.

"Masyadong malakas si Serna. Hindi ko man lang siya naabutan," bulalas ni Carlo Cepillo habang tumatakbo sa side nila.

"Ang bilis niya," wika naman ni Karim matapos iabot ang bola kay Mendez.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now