Bola 50

470 41 2
                                    


Bola 50

"IPASA mo sa akin ang bola," sambit ni Morris sa kakampi niyang si Rommel. Pagkasambot nga niya sa bola ay sinimulan na niya ang quarter sa isang mabilisang tres na hindi naman inaasahan ng bumabantay ritong si Carlo Cepillo.

Pinaingay kaagad ni Morris ang kanilang crowd at sa pagbaba niya sa side ng Panthers ay seryoso pa niyang pinagmasdan ang bawat isa sa mga players na mayroon ang kanyang kalaban. Ito na ang second half, at dito na siya magsisimulang magparamdam. Dito na niya balak ipakita kung sino ba ang player na binansagang Red Mamba sa inter-barangay.

Napaseryoso naman ng tingin si Mendez dito. Nakita niya ang tingin ni Morris at kakaiba iyon kumpara sa nakikita niya kanina. Seryoso iyon, at parang may nais ipakita sa kanila.

Ikinalma na ni Ricky ang kanyang sarili at dito na niya nakita ang paglapit sa kanya ni Alfante. Naging maingat na siya at sa paglapit nito ay siya namang pagkuha niya ng isang buwelo sa pamamagitan ng isang pag-atras.

Mabilis siyang umabante at nang sabayan siya ni Alfante ay bigla siyang huminto at ipinasa ang bola sa kasama niyang si Martin na nagpunta na sa kanyang kaliwa.

Napangisi kaagad si Suarez sa pasang iyon ni Mendez. Mabilis siyang hinarapan ni Almazan at sa pagkakataong ito ay nagawa na niya itong malampasan. Bumangga si David sa katawan ni Ricky at nakalibre si Martin dahil doon.

Isang mabilis na dribbling at nang lapitan na siya ni Alfante ay dito na siya umatras nang biglaan para bumitaw ng isang step back jumper. Pumasok iyon at nginisian ni Martin sa Rommel habang umaatras.

Tabla sa 58 ang score at nang mag-i-inbound na si Johnson ng bola ay nabigla ang lahat nang ibato nito palayo ito. Napalingon ang lahat sa side ng Lalud at naroon na kaagad si Morris. Walang nakahabol dito at sa pagsambot niya sa bola ay isang libreng dunk ang kanyang ipinakita sa lahat.

Pagkalapag ni Morris sa ibaba ay tumuro pa siya sa itaas habang tumatakbo pabalik sa side ng Panthers. "Dito na magsisimula ang tunay na laban!" nakangising winika ni Serna at nang marinig iyon ng kanyang mga kasamahan ay napangisi na rin ang mga ito. Ito na ang kanilang ace player. Magpapakitang-gilas na at hindi na magpapapigil pa.

"If Panthers can make a counter attack against Morris Serna, may pag-asa silang manalo. Kasi, nakikita kong ilalabas na niya ang kanyang galing sa basketball sa quarter na ito," seryosong winika ni Mover at nang marinig iyon ni Von ay napaseryoso na rin siya sapagkat nag-iba ang dating ng Lalud team matapos ang mga salitang binitawan ni Morris Serna.

Ang Lalud crowd ay kinalampag na muli ang buong venue. Nararamdaman na nila ang pagpapakitang-gilas ni Morris. Nakikita nila na ilalabas na nito ang kanyang galing pagdating sa sports na ito.

Nang maibaba ni Ricky ang bola ay nabigla siya at ang mga kasamahan niya nang bantayan siya ni Alfante at ganoon din si Morris. Isa itong hindi inaasahang double-team. Hindi ito inaasahan ni Ricky at dahil sa sobrang pagka-agresibo ni Serna ay nagawa niyang sirain ang dribbling ng binata.

Si Martin ay napatakbo upang kuhanin ang tumalsik na bola. Nakahinga nang maluwag ang Panthers sapagkat bumalik sa kanila ang possession, kaso pagharap ni Suarez ay dito na niya nakita ang paglampas sa kanya ni Morris. Naglaho sa kamay niya ang bola dahil na-steal ito ng kalaban.

Kalmadong dinrive ni Morris ang bola papunta sa side nila. Pero hindi naman nagpadaig si Mendez at mabilis niya itong hinabol para depensahan.

Nagkaharap na muli ang dalawa at nag-ingay ang mga manonood dahil doon. Si Mendez ay seryosong binantayan si Morris sa paglapit nito.

"Magaling ka Mendez pero," sambit ni Morris at dito ay isang mabilis na paghakbang pakaliwa ang kanyang ginawa.

Nasabayan naman iyon ni Mendez, kaso, malakas ang katawan ni Serna. Nang madikitan niya ito ay bumagsak nawalan siya ng balanse dahil sa pwersang dala noon.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now