KINBEN II

2.9K 174 24
                                    

KINBEN II
by TaongSorbetes

Genre: Sports Fiction/Action/Romance

*****

CALAPAN Inter-barangay League, isang liga kung saan maglalaban ang piniling labing-anim na barangays sa lungsod ng Calapan.

Isa itong liga na walang age limit. Wala rin sa tangkad o bigat nababase ang mga manlalaro rito. Sa oras na kasali ang isang manlalaro sa barangay team nila, ay awtomatikong mapapasabak ito sa isang panibagong antas ng pagba-basketball.

Hindi lamang sa talento o galing nakikita ang pag-angat dito. Hindi rin sa edad, at lalong hindi sa pagiging athletic. Madalas sa ligang ito... Ang pagiging magulang at madiskarte ang nagiging paraan ng karamihan para magwagi.

Hindi ito basta-bastang liga sa magagaling. May mga pagkakataon ding may nag-aaway sa bawat naglalaro. Hindi mawawala ang sagutan na pinangungunahan ng mga may edad na. Hindi rin maiiwasan ang masugatan at matumba sa bawat laro. Iba na ang lebel nito kumpara sa larong naranasan ni Ricky Mendez sa CBL.

Bawal ang lalambot-lambot o basta-basta na lang panghihinaan ng loob sa bawat laro. Walang puwang ang pagkawala ng kompyansa sa loob ng court... Dahil sa oras na mangyari iyon-- lalamunin sila ng buo ng mga batikan at beteranong manlalaro ng bawat koponan.

"Kaya ko bang maglaro sa CIL?" Ito ang tanong ni Ricky sa sarili habang nakahiga at nakatingin sa itaas ng kanyang kwarto.

Kanina lang ay inimbitahan siya ng kanyang kapitan na sumali sa Canubing 1 team. Gusto nilang mapasali siya rito dahil napanood nila ang paglalaro nito sa Final 4 ng CBL.

"Magandang opportunity at training para ngayong bakasyon..."

Napabangon si Ricky.

Gusto niyang subukan ito. Gusto niyang malaman kung kaya ba niyang maglaro rito. Gusto niyang malaman kung gagaling ba siya sa pagsali rito.

Napakuyom na lang siya ng kamao. Alam niya sa sarili niyang hindi pa siya magaling. Alam din niya sa kanyang sarili na marami pa siyang dapat pag-aralan. At kung sasali siya rito... May posibilidad na may matutunan siya-- at mataas ang tsansa na mas maging malakas siya sa pagpasok niya ng 3rd year.

"Tama... Sasali ako sa Barangay Team! Gusto kong makalaro at makalaban ang mga manlalarong mas matanda at mas malaki sa akin."

*****

9-24-20

******

BOOK II will be updated... Soon. Wala akong date na maiibigay. Pero ang pinakasigurado, baka 2021.

Habang wala pa ang taong iyon. Inaasahan kong basahin muna ninyo ang stories na ipagpapatuloy ko.

Ang Mata ni Lycan

Strongest Powerless

-taongsorbetes






KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now