Bola 72

405 34 0
                                    


Bola 72

MULA sa Calapan ay dadaan ng dalawang bayan bago nila tuluyang marating ang Puerto Galera. Inaabot ng isang oras ang byahe at bago sila makarating doon ay babaybayin ng kanilang sasakyan ang pataas na mga kalsada sa gilid ng mga bundok. Umarkila sina Andrea ng sasakyan at ito ang maghahatid at mag-uuwi sa kanila bukas pabalik dito.

Umupo sa hulihan sina Ricky at Andrea, katabi nila ang mga gamit na dala nila. Sa unahan nila ay may limang nakaupo at sa sunod ay may apat. May isa ring nasa tabi ng driver. Ang tatlo naman nilang kaibigan ay nasa Puerto Galera na dahil ang mga iyon ay doon nakatira. Hinihintay na sila ng mga iyon sa White Beach, ang dulong lugar ng bayan na iyon kung saan ay may maputing buhangin ang pampang ng dagat.

Pag-andar ng van ay nag-ingay na kaagad ang mga kaibigan ni Andrea. Si Ricky naman ay ngingiti-ngiti na lang sa mga ito dahil sa totoo lang ay hindi naman niya kilala ang mga ito. Nang maging sila ng dalaga dati ay hindi rin naman niya nakasama ang mga ito dahil mabilis lang na naging sila noon.

"Andrea, ipakilala mo naman kami kay Ricky Mendez!" wika ng babaeng nasa tabi ng driver at nakatingin ito sa likuran. Maikli ang buhok nito at nakasuot ng white shirt na may beach na tatak.

"Oo nga... Nagkabalikan na pala kayo," wika naman ng isa na nasa unahan nila na may katabing lalaking nakasuot ng manipis na polo na may design ng mga puno.

"Ngayon mo lang naisama iyang jowawa mo Andrea. Tahimik pala iyan sa personal," wika naman ng isa na may pinakamahabang buhok sa magkakaibigan. May katabi rin itong lalaki na nakaakbay rito at kasalukuyan yatang tulog dahil nakasandal ito sa may bintana.

Napatawa naman ang dalawa sa likuran nang marinig ang mga iyon. "Tahimik ka raw Mendez," pabiro ni Andrea sa katabi niya na hindi alam kung tatawa o hindi. Dito na nga ipinakilala ni Andrea ang mga kaibigan niya. Ang naunang nagsalita at nasa tabi ng driver's seat ay si Arlene. Basketball player din ito at kasama ng dalaga kapag Sports Fest sa department nila. Ang babaeng may mahabang buhok naman ay si Leslie at kasama nito ang boyfriend na Marwil ang pangalan. Ang isa naman ay si Louie, kaklase rin ni Andrea at classmate niya since highschool. Kasama rin nito ang boyfriend nito na Marck ang name. Si Marianne at ang boyfriend nitong si Kyle ang nasa likuran naman ni Arlene. Tahimik lang ang dalawa at ngingiti-ngiti sa kakulitan ng mga kasama nila. Tatlo pang kaibigan ni Andrea ang nasa kanilang unahan, ito ay sina Jena, Maine at Chrissa na pawang maiingay at panay ang tanong kay Ricky ng kung ano-ano.

Iyong dalawang lalaking kasama nilang gising na sina Marck at Kyle ay agad na nag-hi kay Ricky dahil fan daw niya ang mga ito.

"P're, goodluck sa laban ninyo sa Camilmil! Sana manalo kayo!" wika ni Marck na malago ang buhok na kulot.

"Since CBL, napanood na kita. Ang galing mo Mendez doon. Tapos napanood din kita sa inter-barangay at ang laki na ng ipinagbago mo. I'm sure! May chance na mag-champion ang CISA next season. Sa CISA ako nag-aaral," natatawa namang wika ni Kyle. Medyo payat pero gwapings. May ilang buhok ito na blonde ang kulay.

Nagpasalamat naman si Ricky at natuwa. Mabuti na lang daw at may kasama silang lalaki. Dahil kung siya lang ay baka ma-out-of-place siya sa mga barkada ni Andrea.

"Ricky, nag-kiss na kayo ni Sissy?" kinikilig na tanong naman Jena na nasa unahan lang nilang dalawa.

"Oo nga. Masekreto kasi si Andrea. Kumpara sa tatlo na may jowa rito na lahat open sa amin," dagdag naman ni Maine at mabilis na nagsalita sina Leslie, Louie at Marriane na hindi raw iyon totoo.

"Hoy! Itigil nga ninyo ang mga mouth ninyo!" bulalas ni Louie na nilakihan pa ng mata ang tatlong panay ang tawa sa mga sinasabi nila.

"Joke lang iyon! Baka maniwala kayo Marck at Kyle," natatawang winika naman ni Chrissa na bumalik ng tingin sa kanilang likuran, kina Andrea at Ricky.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now