Bola 58

427 38 0
                                    


Bola 58

HINDI na napigilan ni Morris Serna ang kanyang luha. Hindi niya alam kung bakit siya umiiyak, pero sa lahat ng pagkatalo ay parang napakasakit nito. Sa pagtunog ng buzzer kanina, bigla na lang niyang naalala ang kanyang lolo Selmo.

"Kahit anuman ang maging resulta ng laro mo... Huwag mong kakalimutang maging masaya rito."

"Apo... Morris, tandaan mo, masayang maglaro ng basketball! Mag-enjoy ka palagi sa bawat game mo."

Nakalimutan na ni Morris ang tunay na diwa ng laro sa kanya mula nang hindi na siya pinapanood ng kanyang lolo. Masyado siyang nagpokus sa panalo, sa kanyang sarili at sa pagbawi sa player na si Mover. Hindi na siya nag-e-enjoy sa laro.

"Tama ka nga Ricky Mendez..."wika ni Morris sa kanyang sarili at pinunasan niya ang kanyang luha. Pawisang-pawisan siya at nakakaramdam ng panghihina. Nakita nga niya si Rommel na nakatulala lang nang oras na iyon sa basket.

Nilapitan niya ito at ipinatong ang isang kamay sa buhok nito. "Sorry Rommel, natalo tayo," ani Morris at nanginig ang labi ni Alfante nang marinig iyon.

Nasa isip ni Rommel kung paano masayang naglaro si Ricky. Ganito rin ang nakikita niya sa kanyang kuya kapag naglalaro ito. Kahit talo, hindi iyon nawawala sa mukha nito. May sandali mang napu-frustrate ang kanyang kuya, pero nawawala rin kaagad ito. Uuwi itong may baon pa ring ngiti kahit talo.

Akala ni Rommel, masaya na siyang manalo, magkampeon sa CBL... pero hindi iyon totoo. Naiinggit siya sa kanyang kuya. Naiinggit siya sa mga players na tulad ni Mendez na makikitang ngumingiti sa loob ng game kahit inilalampaso ng kanilang mga kalaban.

"Rommel... Hindi ba kasali ka sa CBL?" mahinang tanong ni Morris sa binatang napayuko na lamang habang nagsasaya ang mga taga-Canubing sa loob ng court.

"Oo kuya," ani Rommel na naramdaman ang pangingilid ng luha sa mga mata niya. Hindi niya maisip kung bakit siya nalungkot sa pagkatalong ito.

"Enjoy-in mo lang ang paglalaro mo. Huwag mong isipin na dapat panalo ka. Na dapat ay mas magaling ka... Isipin mo ang mga kasamahan mo, at huwag kang maging makasarili."

"Rommel, masayang maglaro ng basketball! Hindi ba, nakita natin iyon kay Mendez?" dagdag pa ni Morris at pansamantalang kumalma si Rommel nang sandaling iyon. Huminga silang dalawa nang malalim at napatingin sa masayang team ng Panthers.

"Gusto kong malaman ang pakiramdam noon kuya Morris," mahinang winika ni Rommel at tinapik naman ni Morris ang kanyang balikat.

"Sa sunod na season ng CBL... alamin mo ang pakiramdam na iyon. Aminado ako, nakalimutan ko na rin iyon... pero dahil sa player na iyan... parang gusto ko nang ibalik sa dati ang sarili ko kapag naglalaro ng basketball."

"Kuya Morris... Sa sunod na inter-barangay... Mananalo na tayo, hindi ba?" tanong ni Rommel at sumilay ang kaunting ngiti sa labi nito.

Ginulo ni Morris ang kanyang buhok at dito na nga sila napangiting dalawa. "Malalaman natin iyan, next year!" ani Serna at nagpunta na silang dalawa sa kanilang mga kasama para kausapin at magpasalamat.

*****

HABANG nagsasaya ang lahat ng Panthers sa gitna ng court, sa bench naman nila ay may isang pusong nagulat sa kanyang narinig. Naramdaman ni Ricky ang malambot na palad ni Andrea sa ibabaw ng kanyang kamay. Kasunod noon ay ang pagsabi nito na tinatanggap na uli siya nito.

Napatingin siya kay Andrea at dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ito sa mga mata. "A-ano'ng sinabi mo?" tanong ni Ricky at ang ngiti ng dalaga ay napalitan ng pagsimangot.

KINBEN II (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt