Bola 88

330 32 0
                                    


Bola 88

79-64.

Napatawag ng time-out si Mover dahil sa ipinapakitang momentum ng kanilang kalaban. Ang player na sina Semeron at Suarez ay nakikita niyang gumagawa ng impact sa laro at hindi iyon maganda. Huminga siya nang malalim at tiningnan ang kanyang mga players.

"Sir Mover, malakas ang dalawang iyon, hindi ba?" tanong naman ni Karlo na nakatayo matapos uminom ng gatorade. Seryoso siyang nakatingin sa kanilang coach dahil parang ang lalim ng iniisip nito.

"Yap! We need to stop them!" wika ni Mover at kinausap niya ang kanyang mga players tungkol sa kanilang gagawin sa pagbalik sa game. Kailangan nilang lakasan ang kanilang depensa para hindi basta makakita ng open space ang kalaban.

Ang silbato ng referee ay tumunog na nga at ang cheer ng manonood ay mas lumakas. Nagsibalikan na nga sa loob ang mga players at nasa Red Lions na muli ang possession. Sa pagdating ni Mover sa side nila habang dala ang bola ay mabilis siyang dinepensahan ni Semeron na nakangisi pa nga habang gumagalaw ang mga paa.

"Kinakabahan ka na ba? Mover Flores?" mahinang tanong ni Baron at sumilay ang isang maliit na ngiti mula sa labi nito. Isang biglaang pasa ang ibinato nito sa kanyang kaliwa at naroon na nga si Ibañez na ginamit ang screen na ibinigay ni Mikael para makakuha ng space mula sa defender nito.

Nagpakawala si Karlo ng isang tres at pumasok iyon na nagpaingay muli sa crowd nila. Kaso, dos puntos lang iyon dahil nakita ng referee na nakatuntong pala ang unahan ng sapatos nito sa guhit. Napasayang tuloy ang Red Lions, pero ayos lang daw iyon. 81-64 ang naging score at sa pagsambot ni Martin sa bola ay ang crowd ay nagulat dahil isang Full-Court Defense ang ginawa ng Red Lions. Ito ang unang pagkakataon na nakita nilang ganito ang defending champions.

Napaseryoso si Kap nang makita iyon. Patunay lang ito na hindi minamaliit ng kalaban ang kanyang koponan. Kahit tambak sila sa score ay naroon pa rin ang takot ni Mover na baka sila ay makahabol.

Pinagdalawahan kakaagad si Martin nina Karlo at Mover para subukang i-trap ito. Si Suarez ay parang nag-alangan dahil dalawang magaling na manlalaro ang nakaharang sa kanya. "Hindi maganda ito."

"Pasa!" bulalas ni Baron na tumakbo na palapit kay Suarez para kunin ang bola. Sina Mover naman at Karlo ay nagkatinginan na tila alam na ang gagawin.

Iginalaw ni Martin ang kanyang mga kamay kaso nang subukan niyang linlangin ang mga defender niya ay natapik pa rin ni Mover ang bola at tumapon iyon palayo, palabas ng court. Doon na nga lang napatakbo si Suarez dahil siya ang huling touch ng bola dahil sumagi pa ito sa kanyang braso.

Si Baron ay napatingin na nga lang sa bola at wala nang nagawa dahil lumabas na iyon. Bumalik sa Red Lions ng possession dahil doon. Si Mover at Karlo ay napasigaw at nag-apiran. Kasabay noon ay ang pag-ingay ng crowd dahil doon.

"Ang bagal mo Suarez, hindi mo kaagad ipinasa!" sabi ni Baron na lumapit kay Martin.

"Bobo ka ba? Kita mong dalawa iyon. Si Mover at Ibañez iyon. Hindi iyon pipitsuging player na tulad ng iniisip mo," bawi naman ni Martin na napakuyom ng kamao dahil napigilan siya ng kalaban.

"Tss. Depensa na! Hindi dapat sila makapuntos," sabi na lang ni Baron na lumapit na kay Mover para ito ay bantayan.

HAWAK na ni Javier ang bola mula sa labas at bumigla na lang si Mover ng takbo palapit sa kakamping si Karlo. Ginamit niya ang katawan nito upang hindi makahabol si Semeron. Gumamit siya ng screen at pagkasambot niya sa bolang mula sa labas ay tumalon na siya para tumira. Nabitawan na niya ang bola, kaso, may kamay na bumago sa ikot ng bola bago pa man ito umarko. Naabutan ito ng dulong daliri ni Jimwel Albañez!

Maging si Mover ay nabigla roon. Pagkalapag ng mga paa niya sa court ay napasigaw siya ng rebound. Si Javier ay agad din namang nai-box-out ang katapat na si Karim. Pagtama ng bola sa ring ay tumalon ito at sinambot ang bola sa ere. Pagkalapag nito ay dito na ito tumalon muli kaso, naglaho iyon nang lampasan siya ni Suarez na hawak na kaagad ang bola at mula sa pwesto nito ay ibinato nito nang malakas ang bola papunta sa side nila.

"Gago! Kapag ito hindi mo ipinasok... Hinding-hindi na kita papasahan!" wika ni Suarez na ikinagulat ng mga manonood at mga players sa loob ng court.

"Ulul!" bulalas naman ni Baron na nasa side na kaagad nila. Sinusundan na rin siya ni Mover na mabilis ding tumatakbo. Pareho silang nakaabang sa bola at paglampas ng dalawa sa free throw line ay sabay silang tumalon para sambutin ang tantyadong pasa mula sa isang magaling na passer na ikinagulat din ng mga manonood.

Si Baron ang nakasambot ng bola at bago pa man siya bumagsak sa ibaba ay buong lakas niyang idinakdak ito sa ring.

Nayanig ang buong board at ang silbato ng referee ay tumunog. Sandali pang bumitin sa ring si Semeron at pinagmasdan ang nakaupo sa ibabang si Mover na tinawagan ng foul. Ang tunog ng tumatalbog na bola ay maririnig dahil ang lahat ay nagulat sa kanilang nasaksihan.

Ang pinakamagaling na player ng Calapan City na si Mover Flores...

Ay dinakdakan ni Bartholomeo Semeron!

Mula sa nakangiting labi ni Baron ay napalitan ito ng pagngisi. Napakuyom siya ng kamao at sumigaw dahil sa hype na naramdaman sa kanyang buong katawan. Sinundan iyon ng malakas na cheer mula sa supporters nila at ang bench nila ay napatayo na lang dahil sa nangyaring iyon.

"A-ako si Barthomeo Semeron! Ang magiging pinakamalakas na manlalaro ng Calapan!"Biglang may mga salitang rumehistro sa alaala ni Mover habang nakatingin sa player na pinagmamalakihan siya. Dito na nga dumilim ang mga mata niya at napangiti habang tumatayo.

Naalala na niya kung sino ito. Hindi niya ugaling tandaan kung sino ang mga players na nakalaban niya. Tanging ang nakikita niyang malakas ang nasa isip niya, kaso, hindi niya akalain na ang Semeron na narito sa kanyang harapan ay ang lalaking nagsabi sa kanya na magiging pinakamalakas sa Calapan ay ito.

"There are some players ang nakita kong mas magaling sa akin, pero wala sila rito sa Calapan..."

Nakaramdam si Mover ng saya. Nakaramdam siya ng hindi inaasahang saya dahil nakaramdam siya ng kaba, at challenge kung paano io-overcome ito. Ito ang bagay na nagpapalakas sa kanyang maglaro. Ang katotohanang may lumilitaw na magagaling na players na kaya siyang sabayan. Kung sa mata ng marami ay siya na ang pinakamagaling... para sa kanya ay hindi iyon sapat dahil napakalawak ng mundo ng basketball.

Maraming malalakas pang manlalaro, hindi lang sa Calapan... kundi maging sa buong probinsya. Paano ba niya malalamang malakas siya? Ito ay kung may makakatapat siyang mas malakas sa kanya!

Ang paligid para kay Mover at Baron ay tila huminto. Nilampasan ni Flores ang sumisigaw na si Semeron at napakuyom siya ng kamao sa paglampas dito. "From now on..."

"I will play seriously! Semeron... Thank you for making me play like this!" Akala ni Mover ay kay Ricky Mendez niya ito mararamdaman, pero hindi pala. Dahil kay Baron Semeron, ang 100% na laro ni Mover Flores ay kanya nang ipapakita.

Naipasok ni Baron ang free shot at ang score ay naging 81-67. Limang minuto na lamang ang natitira sa quarter at pagkasambot ni Mover sa bola ay nakaramdam ng kung ano ang mga players nang makitang mabagal na naglalakad ito papunta sa Red Lions' side.

Mula naman sa audience, isang lalaking may apelyidong Ramirez ang napangiti nang makita ang pagdadala ni Mover Flores sa bola.

"Manood kayo mga pre..."

"Seryoso na si Mover," wika nito sa kanyang mga kasama.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now