Bola 90

393 36 5
                                    


Bola 90

MAS LALONG lumakas ang cheer ng crowd nang magsimula na ang huling quarter. Bawat isa sa supporters ng underdog team na Panthers ay napadasal na lamang na sana ay makahabol ang koponan nila sa malakas na kalaban ng mga ito. Hindi nila alam kung paano, pero habang hindi tumutunog ang huling buzzer... ang panalo ay hindi pa matitiyak kung sino.

Huminga nang malalim si Ricky sa pagpasok niya sa loob ng court. Naririnig niya ang ingay ng crowd at napatingin siya sa kanilang mga kalaban. Same line-up ang maglalaro sa pangunguna ni Mover Flores. Lumunok siya ng laway at kumuyom ng kamao. Sa larong ito, dito na nila malalaman kung dapat ba silang umusad sa torneyong ito.

Nasa likuran ni Ricky si Kuya Alfredo niya, si Manong Eddie, si Kuya Kaloy niya at Tristan. Wala ni isa man sa magkapatid na Karim ang nasa loob at si Manong pa ang pinakamatangkad sa lima. Kaso, maliit ang line-up nilang ito kung titingnan at kagaya ng nangyari kanina, alam na ni Mover ang kahinaan ng ganitong line-up.

Ang iniisip na lang ni Mover ay kung bakit ganito ang line-up na ipinasok ng Panthers. Kung ganito ang kanilang kalaban, hindi na sila magdadalawang-isip na umatake sa loob.

"Team, be ready! Tatambakan natin ang mga ito. Aatake tayo sa ilalim dahil iyon ang weakness ng kanilang line-up," wika ni Mover at ang mga kasamahan niya ay mas lalong ginanahan nang marinig iyon. Tama ang kanilang coach, walang panama sa painted area ang ganitong line-up.

"Kalma Ricky!" wika ni Mendez sa sarili at mula sa pasa ni Manong Eddie ay sinambot niya ang bola. Kanila ang possession at ibinaba niya ito sa side nila.

Sa paglakad niya ay napatingin siya sa kanyang sapatos, at napangiti siya. Pagkatapos noon ay isang madikit na depensa kaagad ang ibinigay sa kanya ni Mover na mabilis niyang iningatan.

Anumang oras ay pwedeng mawala ang bola sa kanyang mga kamay. Kaya nga binabaan ni Ricky ang dribbling at bahagyang tinalikuran ang kanyang defender. Isang marahang lakad at nang makita na niya ang paglapit ni Kuya Alfredo sa kanya para bigyan siya ng screen ay dumaan siya sa likuran nito at nilito si Mover na humahabol sa kanya.

Nang kumaliwa si Mover ay kumanan siya at nang bumalik ito ay sa kabilang direksyon siya pumunta. Hindi niya hinayaang mahuli siya nito. Kung hindi niya ito maiiwanan ng isa laban sa isa, gagamit siya ng screens para takasan at lusutan ito.

"You are clever Ricky!" bulalas ni Mover at hinayaan na lang niya si Ricky dahil palapit na rito si Ibañez para ito ang pumigil dito. Ganoon din nga ang pagbasa niya sa galaw na posibleng gawin ni Ricky. Mababakante ang isa sa mga kasamahan ni Mendez dahil sa help defense ni Karlo.

Hindi niya iniwanan si Alfredo Manigbas at mabilis niyang tiningnan ang kanyang pinsan na si Mikael para papuntahin ito nang biglaan sa pwesto kung saan ay nag-aabang si Carlo Cepillo.

Sa paglapit ni Ibañez kay Ricky ay ang mabilis na paggalaw ng kamay nito na may hawak sa bola. Sa direksyon kung nasaan si Kuya Kaloy niya ay iginalaw niya iyon at si Karlo ay mabilis na gumalaw para i-intercept iyon, kaso tumalon si Mendez nang hindi inaasahan at tumira ng isang biglaang tres.

Si Mover, napakuyom ng kamao dahil nagkamali siya. Napatingin na lang siya sa bola. Ganoon din sa kanang kamay ni Ricky na biglang kumuyom. Pumasok iyon sa basket at napatalon si Mendez sa tuwa. Ang bench ng Panthers ay napasigaw dahil doon at ang mga supporters ng Panthers ay napasigaw dahil sa tuwa. Isinigaw nila nang malakas ang pangalang Ricky Mendez na narinig ng marami dahil sa bahagyang pagtahimik ng supporters ng Red Lions.

95-81 ang naging score at nang nasa Red Lions na ang possession ay nabigla ang crowd ng isang Full-Court Defense ang ginawa ng Panthers. Nagawa nitong pangitiin si Mover na mabilis na iniwanan si Mendez. Ang lahat ay tumakbo at si Ricky ay hindi sumuko, nilampasan pa rin niya si Flores.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now