Bola 6

953 160 28
                                    

KINBEN II
by TaongSorbetes

10-30-20

******

CHAPTER 6

IKINAGULAT ng lahat ang sinabing iyon ni Ricky. Alam naman nilang magaling din itong maglaro, pero iba ang galaw ni Baron pagdating sa basketball. Hindi pang-college ang laro nito. Isa pa, sa taas ni Ricky ay mahihirapan itong pumuntos o mapigilang umiskor ang mas matangkad na si Baron.

"Totoy, hindi kaya nabibigla ka lang?" tanong ni Baron kay Ricky na napapatawa na lang sa ginawa nitong paghamon sa kanya.

Pero imbis na masindak si Ricky, nginitian lang nito si Baron. Pagkatapos noon ay seryoso niyang tiningnan ito sa mga mata.

"Hindi ako nabibigla... Hindi ko na alam kung kaya ba kitang talunin. Isa pa..."

"Ang galing ng dunk na ginawa mo kuya!" masiglang sinabi ni Ricky sa kaharap na lalaking nakahubad at nakasuot ng medyo fit na maong pants.

Bigla namang sumeryoso ang itsura ni Baron matapos marinig iyon. Kasunod noon ay ang paghawak nito sa bola gamit ang kanang kamay nito.

"Ricky! Tama na iyan. Hindi mo dapat hamunin si Baron!" winika ni Kap na mabilis na pumagitan sa dalawa.

"Oo nga Ricky, ibang maglaro si Baron. Baka may mangyari sa iyon," dagdag naman ni konsehal Wilbert na kasunod na rin agad ng ama nitong kapitan. Kasunod na rin nito ang mga kasamahan sa team.

Si Baron, umiling nang bahagya at ngumisi. Tiningnan nga niya sa mga mata si Ricky.

"Oo nga totoy. Isa pa, hindi ako sasali sa barangay team. Wala akong interes na maging kakampi ang mga gurang mong mga kasama," wika ni Baron na tumawa pa nang bahagya.

Si Manong Eddie, biglang napakuyom ng kamao dail nababastusan siya sa sinasabi ni Baron. Humakbang na ang isa niyang paa ngunit bigla siyang hinawakan ni konsehal Wilbert.

"Kuya Eddie, huwag mong patulan si Baron," mahinang sabi ng konsehal dito.

Si Manong Eddie ay ikinalma kaagad ang sarili. Kung hindi siya napigilan ay baka nasuntok na niya ang bibig ni Baron. Naisip din niya nang pigilan siya ni Konsehal na bilang siya ang matanda ay hindi na nga dapat niya itong patulan sapagkat, ugali na talaga nitong mang-asar ng sinuman.

"Kapag natalo mo ako, magba-back-out ako sa team! Okay ba sa iyo 'yon kuya?"

Napatingin ang lahat kay Ricky Mendez nang bigla na naman itong nagsalita. Akala nila ay hindi na ito tutuloy sa paghahamon pero sa sinabi niyang iyon... seryoso talaga ito sa paghamon kay Baron.

Nabigla naman nang bahagya si Baron nang marining niya iyon. Doon ay sandaling sumeryoso ang itsura nito. Doon na nga rin sumilay sa labi nito ang pagngisi.

"Ricky Mendez... Minamaliit mo ba ako?" tanong ni Baron na inilapit nang bahagya ang mukha sa mukha ni Ricky.

Doon na nga muling nagmadaling pumagitna si Kap. Ngunit sa pagpunta nito sa pagitan ng dalawa ay muli na namang nagsalita si Ricky.

"Kap... Nagpapasalamat ako sa pagpapasali ninyo sa akin sa team," nakangiting winika ni Ricky. Masaya siya dahil makakapaglaro na uli siya ng basketball kahit bakasyon. Mapapalaban siya at masusubukan niya ang kanyang galing kung saan na nga ba ang maaabot nito.

Nang sandaling makita niya ang ginawa ni Baron. Mabilis na pumasok sa isip niya na magaling ito. Isa pa, nakita niya ang sandaling pagngiti ni Baron bago ito dumakdak. Isa lang ang ibig-sabihin noon... na gusto rin ni Baron ang larong basketball!

"Gusto ko pong maging kakampi si kuya Baron! Alam ko po Kap, wala akong karapatang magdesisyon sa mga ganitong bagay..."

"Susubukan ko po siyang pasalihin sa team ninyo... Sa pamamagitan ng basketball!"

KINBEN II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon