Bola 27

456 39 0
                                    


Bola 27

LINGGO gaganapin ang laban ng Canubing 1 Panthers at ng Bucayao Waters. Siguradong dadagsain ito, dahil walang pasok at trabaho ang karamihan sa mga taga-Calapan. Isa pa, gaganapin ang laro nang maaga sa ganap na alas-otso ng umaga. Ngunit bago ganapin ang larong ito ay makikilala muna ni Ricky Mendez ang isang babaeng bigla na lamang siyang gagambalain sa hindi niya inaasahang pagkakataon.

Unang pagkikita nila ay nang mabangga niya ito nang siya ay lumabas sa court na malapit sa kanila.

Napasubsob ang mukha niya sa dibdib nito nang sinubukan niyang itayo ito.

At sa gitna ng malakas na ulan, kakatukin sila nito at bigla na lamang itong bumulagta sa harapan ng kanilang bahay nang gabi na iyon, nang gabing iyon.

"Miss okay ka lang ba?" Ito ang mga salitang narinig ni Vanessa nang siya ay muling mamulat ang mga mata. Wala na siya sa labas kung saan ay inabot siya ng malakas na ulan.

"Para sa 5k..." Ito ang nasa isip ng dalaga at kahit magkasakit siya sa kabila ng kalokahan niyang ginawa ay sisiguruhin niyang hindi makakapunta si Ricky Mendez sa laro nito sa Linggo kontra sa Bucayao.

"Okay ka na ba?" tanong ni Ricky nang makitang namulat na ang mata ng dalagang nakadilaw na kasalukuyang nakaupo at nakasandal sa kanilang salas. Naaalala niya ito, ito iyong babaeng nakabunggo niya kanina sa may court. Ang iniisip lang niya ay kung bakit nasa harapan ng bahay nila ito.

"Kumusta na siya anak?" tanong naman ng nanay ni Ricky na may dalang tuyong towel at tuyong damit para sa dalaga. Kahit nga hindi nila ito kakilala ay kailangan nila itong asikasuhin lalo't basang-basa ito ng ulan.

"Iha? Kumusta ka na? Taga-saan ka ba nang matawagan namin ang mga magulang mo?" nag-aalalang tanong ng nanay ni Ricky na hawak-hawak na kaagad ang cellphone nitong keypad ang pindutan.

Isang malamig na ngiti ang agad na ipinakita ni Vanessa sa nanay ng binata. Naroon na rin ang tatay ni Ricky na kasalukuyang may dalang mainit na gatas na nasa isang puting tasa.

"Pinalayas na po ako sa bahay namin..." Pagkasabi nito ng dalaga ay dito na pumatak ang luha nito mula sa kanyang magkabilang mga mata. Makikitang humahagulhol na ito nang mahina at naramdaman ng mga nasa harapan nito iyon.

"Effective sana ito."

"K-kaninang u-umaga pa p-po ako naglalakad-lakad, hanggang s-sa n-nakarating p-po ako ng C-Canubing... H-hindi ko nga po alam kung saan ako pupunta d-dahil wala po akong ibang malapitan... S-sorry po ku-kung d-dito sa bahay ninyo ako na-napunta," wika pa ni Vanessa habang umiiyak at nakatingin sa nanay ni Ricky na tila naaawa sa kanya.

"P-pero kailangang malaman ng magulang mo na nandito ka sa amin iha? Baka nag-aalala ang mga iyon sa iyo," ani ng nanay ni Ricky na tinabihan ang dalaga habang hinihimas ang likod.

"W-wala... n-na po silang p-pakialam sa akin. B-busy n-na po s-sila sa ibang mga pamilya nila..."

"K-kung papaalisin po ninyo ako. A-aalis na lang po ako siguro," dagdag pa ng dalaga na napayuko na lang habang pinupunasan ang luhang lumabas mula sa kanyang mga mata.

Si Ricky, seryoso lang na pinagmamasdan ang dalaga habang umiiyak ito.

"S-sige iha, hindi ka namin kilala. Pero dito ka muna magpalipas ng gabi. Malakas din ang ulan at baka kung mapaano ka pa," ani ng nanay ni Ricky. "Kumain ka na ba?"

"H-hindi pa po," mahinang wika ng dalaga at nagsalita na ang tatay ni Ricky.

"May ulam pa bang tira 'ma?" ani nito sa kanyang asawa.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now