Bola 52

420 36 0
                                    


Bola 52

BINIGLA ni Mendez ang lahat nang isang charging foul ang nagawa niya laban kay Serna. Akala ng karamihan ay tinatalo na ng ace player ng Lalud ang ace ng Panthers, subalit nagkamali silang lahat. Ang ngiti at saya sa mata ng player na may number 3 ay naroon pa rin. Isa iyong malaking patunay na hindi ito napu-frustrate sa paglampaso sa kanya ni Morris sa ilang mga possession.

Wala na sa bokabularyo niya ang panghinaan ng loob sa court. Tapos na ang mga sandaling naramdaman niya ito noon sa CISA. Ang basketball ay isang laro na gustong-gusto niya, kaya bakit siya mawawalan ng pag-asa? Hindi pa tapos ang laro at hindi pa pinal ang iskor.

Sa limang minutong natitira sa 3rd quarter ay lamang pa ng lima ang White Sharks sa score na 64-69. Bumalik sa Panthers ang bola at tumawag na rin ng time-out si Kap para bigyan ng pahinga ang kanyang mga players.

"Ang galing mo Ricky!" bulalas kaagad ni konsehal Wilberto sa binata na mabilis niyang inabutan ng tubig at tuyong towel.

"Tulungan natin si Ricky---Hindi niya kaya itong mag-isa. Kailangan natin ng teamwork. Kaya nating sabayan ang Lalud!" wika ni Kap sa kanyang mga players na nagsiupo na sa bench nila. Umiinom ng tubig ang mga ito habang nakikinig sa sinasabi ng kanilang coach.

"Martin? Hindi mo ba kayang takasan si Almazan?" seryosong tanong ni Kap sa isa niyang malakas na player. Ito ang kailangan niya at nakikita niyang pwedeng tumulong kay Mendez sa pagpuntos.

"Kaya ko po Kap," wika ni Martin matapos makainom ng tubig.

"Tutulungan ka namin sa screens, matakasan mo lang ang Almazan na iyan," wika naman ni Kuya Kaloy.

Ilang sandali pang nag-usap ang mga ito hanggang sa tumayo nang muli ang limang manlalaro para bumalik sa loob ng court. Pinagpatong pa nga nila nang nakataob ang kanilang mga palad na sinundan nila ng malakas na pagsigaw.

Sa paglakad ni Mendez ay napalingon siya sa babaeng nasa likuran ng kanilang bench, si Rich.

"Ano? Okay ka lang diyan?" nakangiting tanong ni Ricky sa dalaga na nakangiti rin habang pinagmamasdan siya.

"Yap! Galingan mo! Beat Lalud! Go! Go! Ricky!" masaya at malakas na sabi ni Rich habang namumula ang pisngi. Napatawa naman ang binata nang bahagya dahil tumayo pa talaga ang dalaga habang sinasabi iyon.

"Nakakahiya yata ang ginawa ko?" ani na lang nga ni Rich sa sarili na mabilis umupo at inisip na walang nakakita sa kanya. Ngayon lang siya uli nagpaka-fan at parang hindi na siya sanay. Pagkatapos ay napatingin siya sa scoreboard sa itaas. Seryoso siyang napatingin sa bench ng Lalud. Alam niyang hindi pa iyon ang buong lakas ng koponang iyon. Masyado kasing nagpo-pokus ang opensa kay Serna kaya hindi nagagamit ang ibang mga players. Alam ni Rich na ang painted area ang babasag sa ipinapakita ng Panthers, pero gusto niyang makita kung ano ang gagawin nina Mendez kapag nangyari iyon.

Pagkaalis ng mga players ng White Sharks sa bench nila ay pinagpapalo pa ng kanilang coach ang pwetan ng mga ito. "Tama na ang iso-plays! Team play na ang gawin ninyo kung gusto talaga ninyong manalo!" winika ng kanilang coach at nagsibalikan ang mga manlalaro niya na bahagyang nakahinga dahil sa pagod sa paglalaro sa court.

Nag-ingay na muli ang mga manonood sa pagpapatuloy ng game. Naibaba kaagad ng Panthers ang bola na kasalukuyang pinapatalbog ni Mendez. Bumalik sa dating posisyon ang Lalud at si Alfante na muli ang bumabantay sa kanya.

Naging maingat pa rin si Mendez sa pagdi-dribble at nakita nga niya ang pagtakbo ng kanyang kuya Martin para takasan si Almazan. Binigyan ito ng screens nina kuya Kaloy at Manong Eddie. Nakita niya ang paglapit nito sa kanya at mabilis nga niyang ipinasa ang bola rito. Pagkapasa niya ay ginamitan naman niya ng screen si Alfante dahil baka tumakbo ito.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now