Bola 31

492 38 0
                                    


Bola 31

ISANG ngiti ang sumilay sa labi ni Mover Flores matapos ang pagpigil ng Panthers sa kaibigan niyang si Von Aldaba. Sandali na ngang napatingin ang binata sa player na may numero tres sa likod na si Mendez. Nakaramdam siya bigla ng interes dito. Magmula kasi nang nakabalik ito sa laro nitong second half, ay nag-iba ang ihip ng hangin sa loob ng court.

Ang kaninang dehadong koponan ng Canubing sa mga mata niya ay kanya nang nakikitang bibigyan ng seryosong laban ang Bucayao. Kung nakapaglaro ba ito sa unang half ng game ay posible bang dikit ang laban? Hindi niya alam ang isasagot niya rito, at ang tanging paraan upang malaman ito ay ang panoorin hanggang sa huli ang game.

"I want you Von to win this game, pero this guy named Mendez..."

Hinaplos-haplos ni Mover ang buhok ng blonde niyang girlfriend habang nakatingin sa direksyon ni Mendez. "I want to go against this guy... I know, pwede ko rin siyang maisali sa koponang balak kong i-create."

Bukod sa pagiging mayamang negosyante sa lungsod, naririnig din niya ang balitang magsasagawa ang Provincial Government ng Oriental Mindoro Basketball League. Isasabay ito sa gaganaping kapiyestahan ng probinsya sa darating na November. Nakausap na niya ang kanilang mayor at balak niyang siya ang mamahala ng koponang sasali rito. Paminsan-minsan nga ay nanonood na siya ng CBL at lalo na itong Inter-Barangay ng lungsod para mag-scout ng magagaling na players.

Nasa opening din siya ng Final 4 ng CBL nitong nakaraang school year at bahagya rin siyang nagulat na ang isang maliit na paaralang gaya ng CISA ay makakaabot dito. Nakita niya kung gaano kagaling maglaro si Macky Romero at isa ito sa mga pwede rin niyang isali sa team na bubuuin niya. Pero ni minsan ay hindi natuon ang kanyang atensyon sa player na si Mendez.

Nakita naman niyang may depensa ito at hustle, pero kulang ito sa opensa.

"But this time, you already have the offensive factor na wala ka during that time..."

Bukod sa pagiging isa sa mga batang businessman ni Mover sa edad niyang 28, ay nasa dugo rin niya ang pagiging isang basketbolista. Dati siyang manlalaro sa UAAP nang nag-aaral pa siya noon sa FEU, at kahit na isa siyang reserve player ay nagpatuloy pa rin siya sa pagpapalakas at pagpapaganda ng kanyang laro. Minsan nga ay nagiging busy na siya sa mga negosyo ng kanyang pamilya, at nawawalan na rin siya ng orasupang maglaro, pero kahit na magkaganoon ay nakakahanap pa rin siya ng paraan para muling makatapak sa court. Isang halimbawa na ay ang ligang ginaganap tuwing summer season sa lungsod, ang Calapan Inter-barangay League.

Hindi lang siya bastaang namamahala ng Camilmil Red Lions, siya rin ang star player ng koponang ito sa loob ng tatlong magkakasunod na taon. Tatlong taon na rin silang kampeon sa torneyong ito.

Mover Flores, ang binansagang Gold Mamba sa ligang ito!

*****

NASA Bucayao na muli ang bola at sa pagbaba nila sa side nila ay nakaramdam kaagad sila ng kakaibang grind mula sa mga players ng Canubing. Si Aldaba na muli ang may hawak ng bola at nakabantay na kaagad sa kanya si Semeron na seryoso lamang na nakatingin sa bola at sa mga paa niya.

"Hindi na ba ninyo ako pagtutulungan?" mahinang sambit ni Aldaba. Pagkatapos nito ay isang mabilisang pagda-drive patungo sa loob ang kanyang ginawa. Matapos iyon ay agad din niyang sinandalan si Baron. Gumamit siya ng lakas upang mapaatras ito. Hindi lang iyon ang kanyang ginawa, bumigla rin siya ng pag-ikot at humarap sa basket matapos ang paatras niyang pagtalon gamit ang kanyang kanang paa.

Isang fade-away jumper iyon! Kitang-kita ni Aldaba ang basket at dito na niya binitawan ang bola mula sa kanyang mga kamay na biglaan namang naglaho nang nakawin ito ni Suarez na mabilis na palang nakatalon mula sa kanyang likuran.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now