Bola 63

497 36 0
                                    


Bola 63

UNTI-UNTI nang napupuno ang loob ng Calapan Coloseum dahil isa na namang laban sa Inter-Barangay ang magaganap dito. Mayroon na nga lamang anim na koponan ang natitira sa liga at ang mananalo sa pagitan ng Canubing 1 at Lumangbayan, ay ang haharap sa wala pa ring talo na Camilmil.

Bukod sa mga taga-Lumangbayan at Canubing 1 na supporters, nagpuntahan din sa venue ang mga interesadong makita ang mangyayaring laro. Naroon ang ilang players ng mga natitirang koponan gaya ng Camilmil. May mga players din mula sa mga natalong team. Ang mga taga-ibang bayan sa Oriental Mindoro ay makikitang nasa audience din. Naging interesado ang maraming manood dahil kay Mendez. Gusto nilang mapanood ito ng live. Nais nilang makita kung paano ito maglaro sa loob ng court.

"Nandiyan na si Ricky!" bulalas ng isang lalaki kabilang sa isang grupo na nasa labas ng venue. Mga nakasuot ito ng varsity jacket ng CISA Flamers.

Napangiti kaagad si Ricky nang makita ang mga kasamahan niya sa Flamers. Mabilis siyang lumapit dito at nakipagkumustahan. Sinabihan niya ang mga kasamahan niya na umuna na sa loob at susunod na lang siya sa mga ito.

"Hindi mo p're sinabing kasali ka sa inter-barangay. E de sana, nagpumilit akong makasali sa barangay ng Bucayao," wika ni Benjo Sy na mapapansin ni Ricky na pumuti ang mukha. Parang may beauty products itong ginagamit kung titingnan.

"Oo nga. Nalaman ko na lang ay kung kailan nagsisimula na ang liga," wika naman ni Raven Cruz na nagpasemi-kalbo ng buhok.

"Nasaan na si Captain?" ani naman ni Troy Martinez na palinga-linga sa paligid.

"KJ iyang si Kap, baka takasan tayo niyan," mahinang sinabi naman ni Marco Castro at nagtanguan sila na may kaunting pagtawa.

Napatawa na rin nga si Ricky. Pero sinabi niyang baka hindi naman. Sinabi nga rin niya sa mga kasamahan na baka kasama ng kanilang captain ang girlfriend nito.

"M-may syota si Captain?" bulalas ng mga kasama niya at kanya-kanya ang mga ito ng pag-iisip sa hangin. Sa mga members kasi ng Flamers ay tanging si Ricky lang ang matinong kinakausap nito sa team. Madalas na suplado si Kier sa iba niyang mga kasamahan, lalo na nga kapag kwentuhan at biruan. Ito palagi ang unang umaalis sa grupo.

"Hindi ako naniniwala pareng Mendez! Hindi nga Ricky? Naunahan pa ko ng masungit na iyon?" tanong ni Benjo na inakbayan pa si Ricky habang sinasabi iyon.

"Sinong masungit Sy?"

Napalingon ang team ng Flamers at si Ricky sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Benjo nga ay nabigla, dahil si Kier ito na nakasuot ng light gray na jersey. Nasa likuran din nito ang girlfriend na si Trisha na nakasuot ng varsity jacket ng binata sa CISA. Hindi nga maiwasang mapatingin ng mga ito sa dalaga.

"W-wala c-captain!" bulalas ni Benjo at napatawa nang pilit ang mga kasamahan niya sa paglitaw nito.

"Kier! Kanina ka pa nilang hinihintay," nakangiting wika naman ni Ricky.

"Nagpa-practice ba kayo? Baka sa CBL, babagal-bagal kayo. Mahaba pa ang bakasyon, magpalakas kayo. Hindi na si Alfante ang captain ninyo kaya umayos kayo!" wika ni Kier at nagtayuan nang tuwid ang mga players niya sa CISA. Lumunok pa ang mga ito ng laway at malakas na nagsalita nang sabay-sabay.

"Yes Captain!"

Ang mga dumaraan nga ay napapatingin sa kanila at ang mga players ng CISA ay nakakaramdam tuloy ng hiya dahil sa ginagawa nila.

"Kier! Ganyan ka ba sa mga kakampi mo? Akala ko, parang friendly ang way mo ng pakikipag-usap sa kanila," wika ni Trisha at nagsitanguan ang mga players ng CISA nang marinig iyon.

KINBEN II (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin