Bola 28

441 40 0
                                    


Bola 28

MARAMING supporters na dala ang Bucayao at halos dominahin nila ang loob ng venue nang magsimula ang laro. Nakasuot ang karamihan sa mga ito ng asul, katulad ng kulay ng jersey na suot ng kanilang mga manlalaro. Kinalampag nila kaagad ang buong coliseum, ngunit hindi rin naman nagpadaig ang mga taga-Canubing na sinasabayan din sila sa kabila ng mas maliit nilang bilang.

Makikita rin sa audience ang ibang players mula sa ibang barangay at may mga estudyante rin dito na mga varsity players ng kani-kanilang paaralan. Linggo, at lahat sila ay may oras para mapanood ng unang game ng Inter-Barangay Games na gaganapin ngayong araw.

Nakuha nga kaagad ng taga-Bucayao ang bola nang maunahan ni Arnold Gonzaga, #4 (6'9) si Karim sa jump ball. Nasambot nga rin iyon ni Von Aldaba (6'4), ang small forward ng kanilang koponan at may numero na zero sa likod. Pagkahawak pa nga lang nito ng bola ay sinundan kaagad ito ng pagkalampag ng lahat ng kanilang supporters.

"Aldaba! Padapain mo ang mga iyan!"

"Von Aldaba! Von Aldaba! Von Aldaba!"

"Go Bucayao! Go! Go! Go!"

Mabilis naman itong binantayan ni Semeron na nakangising nakatingin sa binatang si Aldaba na kung titingnan ay parang wala itong emosyon na ipinapakita. Pinatalbog na nito ang bola at ang mga kakakampi nila ay mabilis na nagsitakbuhan patungo sa side ng Bucayao.

"Ikaw pala si Aldaba..." nakangising winika ni Baron at mabilis na gumalaw ang kanyang isang kamay. Tinapik niya ang bola, ngunit bago pa man niya iyon matamaan ay mabilis na itong iniiwas ni Aldaba. Ang bilis noon! Napalingon na lang si Baron sa kanyang kaliwa nang lampasan siya nito habang nakayuko.

"Hindi ka makakalusot sa akin," bulalas ni Baron at kahit nalampasan siya nito ay hindi naman siya basta nagpasindak roon. Hinabol niya si Aldaba at napadiretso siya nang biglan na lang huminto ito. Isang hakbang pa lamang mula sa guhit ng half-court ang kinapupwestuhan ng mga paa ng number zero na nakaasul, at biglang nagpakawala agad ito ng napakalayong tres na ikinagulat ni Baron.

Hinalit ng bola ang net at kumawala ang malakas na cheer mula sa crowd matapos iyon. Si Baron ay napaseryoso ng tingin sa player na iyon at nang tingnan niya ito ay nakatingin lang din ito sa kanya habang umaatras pabalik sa side nila.

"Kailangan pala namin siyang bantayan pagkapasok pa lang ng half court," wika ni Kap sa sarili at sinigawan niya sa Baron tungkol dito.

"Alam ko iyan Kap!" sagot naman ni Baron na hiningi na ang bola mula sa kakampi nitong si Tristan na kasalukuyang nasa point guard position.

Pagkasambot ni Baron sa bola ay mabilis siyang binantayan ni Aldaba na ikinangisi niya. Saglit nga siyang bumwelo at pagkatapos ay bumigla siya ng drive papunta sa basket. Gamit ang kanyang lakas ay dinala niya ang kanyang defender habang nagdi-dribble ng bola, at nang makarating siya sa komportable na pwesto ay mabilis siyang umatras at tumalon. Isang fade-away two points shot ang ginawa ng binata at pumasok din iyon na ikina-cheer ng kanilang mga kasamahan.

"Easy points," sambit pa ni Baron na tumakbo rin paatras habang nakatingin kay Aldaba. Tumakbo na agad sila sa side nila upang dumipensa.

Na kay Aldaba na nga muli ang bola at napaseryoso kaagad si Baron nang depensahan niya ito. Ibinaba niya ang kanyang hita at inihanda ang kanyang sarili.

"Aldaba! Aldaba! Aldaba!" sigaw naman ng crowd na sinasabayan pa nila ng pagkalampag ng mga dala nilang empty plastic bottles na may lamang mga maliit na bato.

Nabigla si Baron nang bumigla na naman ng tira si Aldaba. Kahit madikit ang kanyang depensa ay pumilit pa rin ito. Sa pagkawala nga ng bola ay napalingon na lang siya rito.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now