Bola 4

1.4K 162 40
                                    

KINBEN II
by TaongSorbetes

10-19-20

******

CHAPTER 4

PINAG-ISIPAN ni Ricky kung sasali ba siya sa team ng kanilang barangay. Pinag-isipan pero isa lang naman ang sigurado sa magiging desisyon niya. Hindi niya ito matatanggihan dahil basketball ito.

Isa na ang larong ito sa mga bagay na nakasanayan niya, kaya wala siyang ibang gagawin kundi ang tanggapin iyon. Isa pa, para sa kanya, hindi pa siya magaling. Wala pa siya sa kalingkingan ng mga nakalaban niya sa CBL na gaya nina Ibañez, Umali, at ang kambal na sina Trey at Troy.

Lalo na rin kay Macky.

Si Macky na tinuruan siya nang matapos ang CBL. Itinuro nito sa kanya ang mga pwede nitong maituro. Marami siyang natutunan ngunit lahat ng iyon ay hindi pa niya nagagawa sa aktwal na laro. Hindi pa niya iyon nasusubukan kahit sa mga laro-laro nila sa team at sa basketbolang malapit sa kanila.

Kinagabihan nang araw na iyon, napagdesisyunan ni Ricky na tanggapin ang pagpapasali sa kanya ng kanilang Kapitan sa barangay team.

KINABUKASAN, normal na gawain ang ginawa niya nang umaga. Ang araw-araw na exercise na kanyang ginagawa sa pagsapit ng umaga. Tumakbo siya habang nagpapatalbog ng bola.

Muli nga niyang nilampasan ang bahay na palagi niyang pinaghahandaan. Naririnig niya ang tahol ng aso roon. Pero kakaiba nang umagang iyon. Sa paglampas niya sa bahay na iyon ay isang babae ang nadaanan ng kanyang paningin.

May ilaw sa labas ng bahay noon at maliwanag din ang mga street lights sa gilid ng kalsada kaya nakita niya iyon nang malinaw.

Isang babaeng nakasuot pa ng pantulog ang nakita niyang nakatingin sa kanya. Nakangiti ito at hindi niya alam kung bakit.

Nilampasan niya iyon. Hindi niya iyon kilala kaya hindi na niya pinakaisip pa iyon.

Samantala, muli namang pumasok sa loob ng bahay ang dalagang iyon. Makikita sa mukha nito ang saya. Nakita siya ni Ricky Mendez at para sa kanya ay ayos na iyon. Simula na iyon ng kagustuhan niyang makilala siya ng binata.

Pumasok ang dalaga sa loob ng kanyang kwarto na napapaligiran ng maraming posters ng mga basketball players mula sa PBA, NBA at kahit sa Euro Leagues. Mayroon ding mga posters doon ng mga players mula sa UAAP at NCAA.

Malinis ang loob ng kanyang silid at mahahalatang mahilig sa basketball ang tumutulog dito. Sa isang parte nga ng kanyang hindi kalakihang kwarto ay may isang nakatayong basketball ring at sa baba nito ay may bola.

Sa dingding ay may makikita rin na mga naka-frame na jerseys. May dalawang makikita roon, isang pula at isang puti.

Melendrez ang nakalagay roon at may numero na tres roon.

Naglakad ang dalaga patungo sa isang nakasandal na saklay. Kinuha niya iyon at pagkatapos ay dahan-dahan niyang inabot ang kanyang kanang paa.

Tinanggal niya ang improvised niyang binti. Siya ang gumawa nito at hindi naman niya ito ginagamit kapag lumalabas siya at pumapasok sa paaralan. Kapag nasa bahay lang niya ito sinusuot.

Pumunta na siya papunta sa kanyang upuan. Tumalon-talon siya gamit ang kanyang kaliwang paa para marating iyon habang nakahawak sa mga pwede niyang hawakan.

Pagkaupo niya ay ngumiti siya sa imaheng nakikita niya sa kanyang salamin. Inayos at sinuklay niya ang kanyang hanggang balikat na buhok at ngumiti.

"Makikilala mo rin Ricky Mendez ang cute na ito," sabi niya sa sarili at pagkatapos ay pinagmasdan niya ang mga picture frames na nakatayo sa kanyang mesa. Mga litrato ng isang babaeng nakasuot ng jersey at may hawak-hawak na bola.

KINBEN II (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें