Bola 7

1K 151 16
                                    

KINBEN II
by TaongSorbetes

10-31-20

******

CHAPTER 7

NAGULAT sina Kap sa ginawa ni Ricky. Hindi nila maisip na magagawa iyon ng binata sapagkat napanood nila ito sa CBL semis. Nakikita rin nila kung paano ito maglaro sa court nila rito pero hindi pa nila nakikita na ganito ito gumalaw. Kinuha ni Kap ang binata para sa depensa ngunit sa ipinakita nito, mukhang may ibubuga na ito sa opensa.

Si Martin, naging seryoso habang pinagmamasdan si Ricky. Palagi niya itong nakakalaban sa 3v3 nila pero ni minsan ay hindi niya ito nakikitang gumalaw nang ganoon. Aminado siyang noong una ay parang wala itong ibubuga sa kanya, pero nitong huli, napapansin na niya ang unti-unting pinagbago ng laro nito.

Kinuha naman ni Baron ang bola at napangisi na lang sa ipinakita ni Ricky. Aminado siyang naisahan siya roon ng kanyang kalaban, pero, hindi na iyon mauulit pa.

"Ayos iyon totoy..." wika ni Baron na ipinasa muna ang bola kay Ricky. Pagkatapos ay ibinalik din ito sa kanya ng binata.

Kay Baron na muli ang possession. May mangilan-ngilan na nga rin ang nagpupuntahan sa court nang oras na iyon sapagkat naririnig nila ang tunog ng tumatalbog na bola.

Seryosong tumayo sa harapan ni Ricky si Baron habang nakahawak sa bola. Walang ano-ano'y tumira na lang bigla si Baron mula sa posisyong iyon.

Hindi na iyon nagawang depensahan ni Ricky at nang lingunin niya ang bola ay dumiretso na iyon papunta sa butas ng ring. Narinig nga sa paligid ang tunog ng hinalit na net at ang bola ay tumalbog palayo.

"3-1!" sambit ni Baron dahil nasa three-point area ito. Si Ricky ay seryoso namang tumakbo para kuhanin ang bola. Hindi niya inaasahan iyon. Ibig-sabihin daw noon, may outside shooting din daw pala ang kanyang kalaban.

Pagkakuha ni Ricky sa bola ay ipinasa niya muna ito kay Baron. Doon ay tumakbo siya sa harapan nito at sa muli niyang pagsambot sa bola... ay siya namang mabilis niyang paglampas sa kanyang defender.

"Kailangang unahan mo ang iyong defender bago pa man ito mag-react. Ito ang magagawa mo laban sa mga matatangkad na defender, lalo na sa mga malupit na defender," sabi ni Macky habang tinuturuan siya.

Si Baron, napalingon na lang, masyado siyang naging kampante. Pero hindi iyon hadlang upang malusutan siya ni Ricky. Ayaw na niyang muli pang malusutan kaya naman, binilisan niya ang paghabol dito.

"Hindi mo na ako maiisahan toy," bulalas ni Baron na unti-unti nang nilalampasan si Ricky.

"Ang isang bagay na kailangan mong matutunan talaga ay ang dribbling at ball handling. Kung makakapanood ka ng mga laro sa Youtube nina Allen Iverson, Isiah Thomas ng 90's Pistons, Kemba Walker at kahit si Curry... Mga point guard sila na pinaglalaruan ang kanilang mga guwardiya nila gamit ang ball handling at dribbling."

"Malakas ka para sa height mo, pero magkakaroon ka talaga ng defender na hindi mo matatalo kung lakas lang... kaya bago mo magawa ang mga itinuro ko sa iyong paraan ng pagpuntos..."

"Dapat magawan mo muna ng paraan kung paano mo ito magagawa sa totoong laban!"

Tumatatak sa isip ni Ricky ang mga sinabi sa kanya ni Macky. Lalo na nang mga oras na iyon, isang malakas na player ang kanyang defender.

Biglang huminto ang isang paa ni Ricky dahilan upang mapatigil si Baron at mabilis nito siyang maharapan.

Narinig sa buong court ang mabilis na pagtalbog ng bola.

Pinatalbog ni Ricky ang bola mula sa isa niyang kamay patungo sa kabila. Ginawa niya ito habang nakaupo nang bahagya sa ere. Pinadaan niya iyon nang mabilis sa ilalim ng kanyang pwetan. Kasunod noon ay napansin niya ang pag-abante ni Baron palapit sa kanya na sinabayan niya nang bahagyang pagtalikod. Sinandalan niya ito upang hindi siya malapitan at pagkatapos noon ay bigla na lang tumalon si Ricky gamit ang kanang paa nito.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now