Bola 61

446 36 0
                                    


Bola 61

KINAHAPUNAN, nagpunta na si Ricky sa Lalud. Sinamahan siya ng kanyang kuya Kaloy, at ginamit pa nito mismo ang kanyang tricycle para may masakyan siya. Sumama rin dito si Jimwel at manong Eddie, na pagkatapos daw ay pupunta sa kanyang kumpareng si Gregorio. Si Andrea naman ay nauna na sa Lalud court dahil mas malapit siya sa barangay na ito.

Sa tricycle, bago pa man sila makarating sa kanilang pupuntahan ay napatanong si Manong Eddie na nasa loob kay Ricky na kanyang katabi roon. "Kailangan mo pa ba talagang labanan si Harold Salazar?"

Nakangiti namang sumagot si Ricky. Napatingin siya sa labas ng tricycle at nagsalita. "Manong, gusto ko lang po talagang maglaro. Alam kong magaling na player siya, kaya sayang naman kung hindi ko siya makakalaban."

"Pero, paano kung matalo ka niya? Hindi ba may kapalit iyon?" ani pa ni Manong sa binata.

"Hindi po ako matatalo Manong!" masiglang sagot ni Ricky at napangiti na rin ang matanda sa kanyang narinig. Bakit nga ba niya iisiping matatalo ito? Natalo nga nila ang Lalud dahil sa binatang ito.

"Manong, huwag kayong kabahan. Ilalampaso ni Ricky ang mayabang na iyon," malakas na sabi naman ni Jimwel na nakaupo sa tabi ng driver na si Kaloy.

"Oo nga Manong. Kilala n'yo naman ang isang iyan... Malupit maglaro," dagdag naman ni Kaloy at napatawa si Ricky.

"Hindi pa ako ganoon kagaling Kuya Kaloy. Ano ba'ng pinagsasasabi ninyo?" ani Ricky at napangiti ang tatlo nilang kasamang nasa tricycle. Ito ang isang ugali ni Mendez na nagustuhan nila, ang pagiging humble.

Ilang minuto pa ay lumiko na ang tricycle mula sa highway at pumasok sa isa pang kalsada. Ilang sandali pa ay kumaliwa ito at tumuloy na sa isang court na napapaligiran ng mga bahayan. Nasa court na sila ng Lalud.

Pagkababa ni Ricky ay napansin niya na may mga motor na nakaparada na sa labas. May mangilan-ngilan nga ring tao ang pumapasok sa loob ng court na ang dingding ay napipinturahan ng orange.

Nag-chat pa siya kay Andrea at sinabing nandito na siya. Agad namang nag-reply ang dalaga at sinabing nasa loob na siya. Bago pa man nga pumasok sa loob ang apat ay may mga taga-Lalud na ang nakakilala kaagad kay Ricky.

"Mendez! Congrats sa game ninyo noong nakaraan! Kahit Lalud supporters kami ay napa-cheer kami sa iyo. Ang lupit mo kasi!" wika ng isang lalaking nasa edad trenta. May mga kasama pa itong nasa lima ang bilang at kumaway ang mga ito sa binata.

Maya-maya pa ay may humabol pang isang dalagang blonde ang buhok na may kasamang bakla na tila kaibigan nito.

"Ricky Mendez! Nagpunta ka! Gusto kitang mapanood! By the way, I'm Jena!" nakangiting wika ng dalaga na hinarangan ang kanilang daraanan. Ngingiti-ngiti pa nga ang kasama nitong bakla sa likuran nito.

Ang mga kasama ni Ricky ay napatapik sa balikat ng niya. Sinabihang uuna na sila sa loob. Napatawa na lamang ang binata nginitian niya ang babaeng nasa kanyang harapan.

"Thank you!" pagkatapos sabihin iyon ng binata ay tumakbo na ito para maabutan ang kanyang mga kasama. Nilampasan niya ang dalaga na hindi man lang kinamayan. Isang malakas na "Awts!" pa ang winika ng baklang malapit dito dahil nakita niya na hindi interesado sa kanyang kaibigan ang binatang si Mendez.

"Sis! Bakit ganoon? Why ako in-snob ng Mendez!? Ayaw ba niya sa tulad ko? Boobsie, tapos matambok ang pwet?" paghihimutok ng dalaga na nakasuot ng fit na sando kung saan ay kita ang cleavage nito at maikling shorts. Tinawanan naman ito ng kanyang kasama at pagkatapos ay sinabing pumasok na lang daw sila sa loob para mapanood ang laro.

Pagpasok ni Mendez sa loob ng Lalud Court ay natuon kaagad sa kanya ang tingin ng karamihan ng mga tao roon. Mula sa mga nakaupo sa mga gilid, hanggang sa mga naglalarong mga kalalakihan sa loob.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now