Bola 71

418 30 0
                                    


Bola 71

NAKATAYO si Ricky sa tapat ng kanilang bahay sa may kalsada. Araw ito ng Huwebes at alas-otso na ng umaga nang oras na iyon. Si Ricky ay nakasuot ng plain shirt na black at shorts na brown. Naka-tsinelas siya at ay nasa likod na bag pack na may lamang damit at ilang gamit. Niyaya siya ng kanyang girlfriend na si Andrea na sumama sa Puerto Galera kung saan ay kasama nito ang mga kaibigan nito sa CU.

Inisip nga ni Ricky kung kailan ba siya huling nakapagdagat? Parang matagal na rin iyon. Mabuti na rin siguro raw ito para makapag-relax siya. Nitong bakasyon ay puro na lang siya basketball at wala pa siyang matinong pahinga. Isa pa, summer at talagang masarap mag-beach. Nakaramdam tuloy siya ng excitement habang iniisip iyon. Sinabi nga sa kanya ni Andrea na sa White Beach sila pupunta. Isa iyon sa magandang parte ng Puerto Galera kung saan ang buhangin sa tabing dagat ay puti ang kulay. Sa facebook lang niya madalas nakikita ang litrato noon at baka mamaya ay makita na niya ito sa personal.

"Overnight tayo sa PG," sabi ni Andrea kahapon nang dumaan siya sa bahay nito matapos ang pagpunta sa facility ni Mover. Nabigla nga siya nang marinig iyon. Napaisip siya kung may pera ba siya para mag-accomodate ng hotel doon gayong alam niyang mahal ang bayad doon lalo't peak season ngayon dahil summer.

"M-marami ba tayo?" tanong ni Ricky na nakaupo sa higaan ni Andrea. Nasa loob ito ng kwarto nito at kasalukuyang nakaupo rin sa tabi niya ang dalaga habang nakasandal sa kanyang balikat ang pisngi.

"I think, nasa 15 tayo. Bale, 10 friends ko, tapos, iyong iba kasama ang jowa nila," wika ng dalaga habang nakatingin sa binata.

Si Ricky ay napalunok ng laway dahil hindi niya alam ang gagawin doon. "So, magkakasama tayong lahat sa isang room? May malaki bang rooms doon na kaya ang marami? Iyong magkakatabi ang kama?" tanong ng binata. Ayaw niyang maisip ang isang bagay na hindi naman niya dapat isipin.

"Meron, kaso, three bedrooms lang ang maximum," wika ng dalaga.

"Ayaw mo bang sa ibang room tayo?" mahina pa nitong tanong at kinilabutan si Ricky nang marinig iyon. Si Andrea naman ay gustong matawa dahil pinagmamasdan niya ang reaksyon ng kanyang boyfriend sa sinasabi niya. Kanina nga nang niyaya niya ito sa loob ng kanyang kwarto ay parang ayaw pa nitong sumama dahil baka raw kung ano ang sabihin ng mga kasambahay nila. Kaso, nakalimutan ni Ricky na ang girlfriend niya ang may-ari ng bahay.

"B-bukod tayo? O-okay lang sa 'yo?" ani Ricky at napatingin na siya kay Andrea na hindi na nga napigilan ang pagtawa sa kanya.

"Nasaan na iyong preskong Mendez na nakita ko lately? Parang bumalik ka sa dati ah," ani Andrea at si Ricky ay parang napahiya. Malakas nga ang loob niya noong sinusuyo niya ito. Ang lakas pa nga niyang bumanat dito at hindi nahihiya.

"I-iba na ngayon. Ayaw ko namang isipin mo na ano ako," nangingiting-hindi na lang nga si Ricky nang sabihin iyon kay Andrea at nagulat siya nang yakapin siya nito. Naramdaman niya ang katawan ng dalaga at lalo na nga ang malambot nitong dibdib na naipit sa kanyang likod sa may balikat.

"Na ano iyon Mendez? Tell me!?" wika ni Andrea na inilagay pa ang kanyang chin sa balikat ni Ricky. Wala siyang pakialam kung maging clingy siya dahil sila lang naman ang narito sa loob at isa pa silid niya ito.

"Wala... Ang clingy mo!" wika ni Ricky at napangiti na nga siya. Parang nahihiya siyang kumilos dahil sa ginagawa ni Andrea pero ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa sa kanya ni Andrea. Labis niya itong na-miss at siguro kung naging maayos sila noong una ay baka naranasan na kaagad niya ang clingyness nito bilang girlfriend.

"Ano nga!?" tanong ni Andrea at pinisil niya ang dibdib ni Ricky na naging dahilan para mapangiwi ito. "Sabihin mo Mendez. Hindi ko ito bibitawan."

"A-ano," naiilang na wika ni Ricky na iniinda ang hapdi ng pisil ni Andrea sa kanyang dibdib.

"Baka isipin mo, pinag-iisipan kita ng hindi maganda." Isang pagtawa kaagad ang ginawa ni Andrea nang marinig niya iyon sa binata. Bumitaw siya ng pagkakayakap dito at bumaba sa kanyang kama at tumayo sa harapan ng binata.

"Ang cute mo Mendez!" wika ng dalaga at pinisil niya sa ilong ang binata sabay sabing magmemeryenda raw sila. Niyaya na nga niya ito palabas ng kwarto. Hinawakan niya ito sa bisig at ikiniskis ang kanyang pisngi rito.

"Girlfriend mo ako Mendez. Huwag kang ano! Baliw ka ba?" ani Andrea at napalunok na lang siya ng laway. Iwinawaglit niya ang kanyang isip mula sa kung ano-anong naiisip niya na posibleng mangyari bukas. Balak niyang bumukod ng room pero nahihiya siyang sabihin ito kay Ricky dahil baka raw isipin nitong masyado siyang mapusok.

"Andrea! What are you thinking!?" sabi niya sa sarili na ang lakas ng kabog ng dibdib habang kasama kanina si Ricky sa loob ng kanyang kwarto.

*****

ILANG sandali pa nga ay may humintong van sa tapat ni Ricky. Bumukas kaagad ang pinto noon at lumabas mula roon si Andrea na nakasuot ng shorts na hanggang tuhod at naka-white shirt sa ilalim na napapatungan ng maong na jacket. May shades pa ito sa ulunan at nakangiting nilapitan si Ricky. Nakarinig pa nga ng kantyaw ang dalawa mula sa mga nasa loob na kaibigan ni Andrea.

"Wait lang, magsasabi lang ako kay Tita," ani pa ni Andrea sa kanyang mga kaibigan at tinanong niya si Ricky kung naroon sa loob ang kanyang nanay. Pagkatango ni Ricky ay agad nga itong pumunta sa bahay para ipagpaalam ang binata.

Pagkalabas ni Andrea ay nakangiti nitong pinagmasdan si Ricky sabay hawak sa bisig nito.

"Tara na!" wika ni Andrea at pumasok na silang dalawa at dumiretso sila sa huling bahagi ng van kung saan ay wala pang nakaupo. Naroon na silang lahat at nang isara ng kaibigan ni Andrea ang pinto ay siya namang pag-andar ng kanilang sinasakyan papunta sa kanilang destinasyon.

Puerto Galera.

Villa Bienvenida Beach Resort.

Beach.

Overnight.

Hindi alam ni Ricky ang mangyayari roon, pero isa lang ang sigurado... Mag-e-enjoy siya rito at pansamantala muna niyang kakalimutan ang basketball para sa araw na ito.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now