Bola 56

404 35 0
                                    


Bola 56

PITONG taon noon si Morris, at kaarawan niya nang araw na iyon. Dumating na ang lolo niyang dala ang isang regalong mahahalatang nakalagay sa loob ng kahon. Kasama noon ay ang isang maliit na cake na para sa kanyang apo na naabutan niyang nagsasagot ng assignment.

"Happy Birthday Morris! Happy birthday Morris!" Kumanta kaagad si Lolo Selmo para ipaalam na siya ay dumating na. Masaya niyang inilapag ang dalang cake para sa apo na iniwanan pansamantala ng kanyang anak na nagtatrabaho sa Maynila.

"Lolo!" Masigla namang bumaba si Morris mula sa papag na kanilang tinulugan at humangos palapit sa kanyang lolo.

"Lo! Ano iyang dala mo? Laruan ba iyan?" nakangiting tanong ni Morris habang nakatingin sa hawak na regalo ng kanyang lolo na kasama niya sa maliit na bahay nila.

Ngumiti si Lolo Selmo habang pinagmamasdan ang bata. Umupo siya na nakaalalay ang mga paa at niyakap ang kanyang apo.

"Mahal na mahal kita apo!" wika ng matanda sa nagpupumiglas namang si Morris dahil sa mahigpit niyang yakap dito.

"Lo! Gusto ko nang makuha ang regalo ko!" ani Morris na mabilis na pinadulas ang sarili mula sa lolo at pagkatapos ay kinuha nito ang regalo mula sa mga kamay nito.

"Sige, buksan mo na!" natatawang tugon ng matanda at nakita niya ang kanyang apo na mabilis na umakyat sa kanilang higaan upang doon buksan ang bigay niya rito.

Pinagpupunit ng bata ang wrapper noon at mula sa seryosong mga mata nito ay dahan-dahan itong napalitan ng hanggang taingang ngiti. Binuksan niya ang kahon at nakuha niya mula sa loob noon ang isang maliit na bola.

"Wow! Lolo! Bola!" nakangiting wika ng bunging si Morris na nakapagpangiti na rin kay Lolo Selmo. Alam niyang hindi pinapahalagahan ng anak niya ang batang ito dahil bunga ito ng pagkakamali. Pinipilit niyang tanggapin nito ang bata kaso, matigas ang ulo ng kanyang anak. Nagpapadala lang ito ng pera sa kanya para raw may pangkain si Morris at para may baon. Kung tutuusin nga ay napakabihira lang na magpakita ang nanay ng bata kaya siya na ang pumupunan ng kakulangang iyon. Mabuti na nga lang at may kapitbahay siyang sumasama sa apo niya sa paaralan. Binabayaran na niya lamang ito para hindi nakakahiya.

Tumayo na siyang magulang ni Morris. Pinapasaya niya ito at inaalagaan. Napakabata pa niya nang siya ay maging ama, at iniwanan sa kanya ng babaeng nabuntis niya ang bata. Hindi niya akalaing gagawin iyon ng syota niya. Dise-otso siya noon, at mahirap pa ang buhay niya nang mga panahong iyon dahil ulila na si Selmo. May mabait lang na nagpaaral sa kanya kapalit ng paggawa niya sa mga gawaing bahay ng mga iyon.

Kaso, dala ng kapusukan niya noon ay nakagawa siya ng bagay na hindi dapat. Pinalayas siya ng nagpapaaral sa kanya at dito na nga niya naisipang ihabilin muna sa iba ang kanyang anak na babae. Nang magkaroon na siya ng trabahong pwedeng bumuhay sa kanya at sa kanyang anak ay sinubukan niyang kuhanin muli ito. Pero hindi sa kanya sumama ang anak niyang bata at ayaw na rin itong ibigay sa kanyang ng mga kumupkop dito.

Walang nagawa si Selmo at makalipas pa ang ilang taon ay biglang isang babaeng may dalang sanggol ang kumatok sa maliit niyang bahay. Ang anak niyang babae ito. Inihabilin nito sa kanya ang batang anak nito na nasa dalawang taon ang edad. Nalaman din niyang pinalayas na ito mula sa mga kumupkop dito noong ito ay katorse anyos pa lamang.

Namalayan na nga lang ng lolo ni Morris na parang siya na ang naging magulang nito. Napakabihirang umuwi ng kanyang anak at upang hindi mangulila ang bata ay inalagaan niya ito.

"Lolo! Bumili ka pala ng pa-shoot-an! Ang galing!" masiglang wika ni Morris nang isang pasko ang nagdaan. Dito ay itinuro ng matanda ang basketball nang dahan-dahan. Mula nang araw na iyon ay nagugustuhan na nga ng bata ang paglalaro noon.

KINBEN II (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz