Bola 9

1.1K 165 49
                                    

KINBEN II
by TaongSorbetes

11-2-20

******

CHAPTER 9

BAGO umalis ang mga players ng barangay ni Ricky, kinagabihan ay nag-goodluck siya sa mga ito. Hindi na siya makakasama para panoorin ang laro dahil tutulungan niya ang kanyang nanay sa paggawa ng ibebenta nitong kakanin para bukas ng umaga.

"Next game Kap! Manonood na ako!" masayang winika ni Ricky sa kanilang kapitan na halata sa itsura na nanghihinayang pa rin sa kanya. Maging ang mga nasa team ay ganoon din... pero kung ayaw ni Ricky, wala na silang magagawa dahil iyon ang kagustuhan nito.

Nang gabi ring iyon, nabasa niya ang chat ni Andrei. Pinapapunta siya nito sa bahay nila bukas.

"Pre, punta ka ri2. Bday ni ate. Tayo-tyo lang nman. Nd hilig ni ate na mghanda. Iyong mga frends nito, pu2nthan niya raw bukas at kakain cla sa labas." Ito ang chat sa kanya ni Ricky.

Napabangon si Ricky, hindi niya alam na birthday ni Andrea.

"Punta k pre ng mga 9am. Tulungan mo q. Ipaglu2 natin ang ate, konti lang nmn." chat pa muli ni Andrei.

Tinanong naman ni Ricky kung pupunta sina Mike at Roland, kaso hindi raw kasi may gagawin ang mga iyon.

"Tau lang?" chat ni Ricky na nagdadalawang-isip dahil tatatlo lang sila.

"Mauwi si Mama, galing Manila. 22lungan tau... Di nga alam ng ate. Haha! Surprise daw."

Napatingin sa malayo si Ricky nang mabasa iyon. Kailan nga ba niya huling nakita ang mama ni Andrei? Noong birthday ni Andrei.

Kilala siya ng mama ng kanyang kaibigan, pero hindi niya alam kung nakwento kaya ni Andrea na naging sila nito. O kung nakwento ba ng dalaga ang nagawa niya rito. Sa pagkakaalam niya, close si Andrea sa mama nito. Minsan nga ay nakikita niyang tumatawag sa phone ng dalaga ito madalas kapag kasama niya ito noon.

Napailing na lang si Ricky nang mga sandaling iyon. Natatawa siya dahil bigla siyang kinabahan. Ano ba ang dapat niyang ikakaba? Para siyang sira na humiga at tumingin sa itaas na tila ba lumalampas ang paningin niya sa bubong ng kanyang bahay.

"Hoy! punta ka! 9am. msarap kng mgluto. ikaw mgluto ng pboritong ulam ni ate... Tinola."

Nang mabasa ni Ricky iyon ay napailing na lang siya. Hindi na nga niya maalala kung kailan ba siya huling nagluto. Mula nang mag-basketball siya, hindi na siya nakakapagluto.

"Hnd n yta aq marunong mgluto pre? Hahaha!" reply ni Ricky sa kaibigan.

"Gagu! Bsta bukas, ready na ang sangkap pgdating mo rito. Ska, mauwi rin sa tanghali ang ate. Di nun trip gumala pg bday nun! Usapan iyan!"

Napa-oo na lang si Ricky sa chat na iyon ni Andrei. Pagkatapos noon ay nag-offline na siya.

Bago siya mapunta sa basketball, isa siyang binata na palaging nasa kusina. Isa sa hobby niya dati ang pagluluto at palagi siya ang nagpe-presinta na magluto ng kanilang mga ulam dito sa kanilang bahay. Hindi niya ipinapaalam sa iba ito, hanggang may isang beses ay napaglutuan niya sina Andrei ng kaldereta nang minsang kumain ang mga ito sa kanila.

Kaso, nang mag-pokus siya sa basketball, naging bihira na niyang gawin iyon.

"Marunong pa ba akong magluto?"

Natatawa na lang mag-isa si Ricky. Hindi ba niya alam kung alam ba ni Andrea na nagluluto siya o kung nai-kwento ba iyon ni Andrei rito. Pero wala rin namang nababanggit ang dalaga sa kanya tungkol doon dati, kaya siguro'y hindi iyon alam nito.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now