Bola 59

427 33 0
                                    


Bola 59

BAHAGYANG nagulat ang nanay ni Ricky nang makita niya ang kasama ng kanyang anak. Nakasuot siya ng pang-alis at tila may pupuntahan ito. Inisip pa nga niya kung kailan niya ito nakita, at kanya ngang naalala ito.

"Si, Andrea nga... ano?" nangingiting wika ng nanay ni Ricky sa dalawa at si Andrea ay mabilis na nagmano rito.

"Opo, Tita," wika ni Andrea na nginitian kaagad ito.

"Ibang babae na naman ang dala mo ah," mahinang winika ng nanay ni Ricky at dito na nanlaki ang mata ng dalawa.

"N-nay?" ani Ricky at napatingin kaagad siya kay Andrea na masama ang tingin sa kanya.

"Biro lang," natatawang tugon ng ginang at nagtinginan pa ang mag-ina. Dito nga ay binati niya ang anak dahil alam niyang panalo ito sa game. Mabilis niyang kinuha ang gamit nia dala ng anak at kumuha ng tuyong towel para punasan ang mukha nito.

"K-kaya ko na Nay. Malaki na ako," natatawang wika ni Ricky at ngiting-ngiti naman sa kanya si Andrea.

"Sus, nahihiya ka lang sa kasama mo e," ani ng nanay ng binata at napatawa silang dalawa ng dalaga.

"Feel at home iha," ani pa nito at tumango si Andrea. Lumunok pa nga ang dalaga ng laway dahil ang tagal na rin nang huli siyang nakarating dito. Napatingin pa nga siya sa binata na dumiretso na sa loob ng kwarto nito.

"Boyfriend na nga uli kitang mokong ka... Sana okay na this time," ani Andrea sa sarili at nag-chat siya sa kanyang mama na siya ay na kina Ricky. Gaya ng inaasahan, isang masayang reply ang nabasa niya.

"Kahit diyan ka na matulog," ganito ang pagkakasabi sa kanya ng mama niya na hindi man lang nag-alinlangan na patulugin sa ibang bahay ang anak niyang babae. Minsan, napapaisip na rin siya kung bakit ganito ang kanyang mama. Nasanay na nga siya rito at masaya siyang may tiwala ito sa kanya.

"Hnd pwd mama. wg nga kaung anu jan. Haha!" reply ni Andrea at tinanong siya ng ka-chat niya kung sila na raw ba ng binata. Pagkasabi niyang oo ay puro heart emoticons at heart emojis ang naging reply ng kanyang mama. Masaya raw ito para sa kanya.

Napangiti si Andrea habang nagre-reply sa kanyang mama. Napakaswerte raw niya rito kasi napaka-supportive nito sa kanya.

"Okay ka lang?"

Napatingin si Andrea nang lumabas mula sa kwarto si Ricky. Nakasando ito at naka-shorts. Pinamulahan nga siya bigla nang hindi inaasahan nang mapatingin ito sa matipuno nitong bisig at balikat.

"Okay lang. Ikaw? Magpahinga ka. Hindi ka ba napagod sa laro ninyo? Nice game nga pala. Laki na ng pinagbago mo," nakangiting wika ni Andrea at tinabihan siya ng binata na ikinapula lalo ng kanyang pisngi dahil naamoy niya ito.

"Mamaya na, lunch na. Ipagluluto kita," nakangiting wika ng binata matapos buksan ang TV sa kanilang harapan.

"Ano'ng lulutuin mo? Help kita," wika ni Andrea na pasimpleng sumandal sa balikat ng binata. Paglabas nga ng mama ni Ricky mula sa kusina ay mabilis itong lumayo kay Mendez at parang nahiya sa ginawa niya.

"Sisig?" ani Ricky at napangiti si Andrea nang marinig iyon. Parang naalala niya ang unang beses na lumabas sila ng binata noon para kumain. Kumain sila ng sisig at unli rice pa roon.

"Iha, tubig, dito ka na magtanghalian," ani ng nanay ni Ricky na inabutan ng tubig si Andrea na kaagad nitong inabot at ininom.

"S-sige po tita," ani Andrea matapos ibaba ang baso sa mesang nasa harapan nila.

"May tanong ako, girlfriend mo ba siya anak?" biglang tanong ng nanay ni Ricky sa binata at napangiti ito.

"Opo nay..." wika ni Ricky at hinawakan niya sa kamay ang dalaga at ipinakita ito sa kanyang nanay na mabilis na ngumiti sa dalawa.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now