Bola 38

433 39 0
                                    


Bola 38

NAPALUNOK ng laway si Andrea nang dalhin na niya ang cookies na kanyang ginawa sa salas. Makikita ngang may pawis pa siya sa leeg at sa kanyang noo dahil dito. Nakasuot din siya ng pink na apron na may picture ng teddy bear sa harapan nito.

Inilapag niya iyon sa mesa at nakangiting nakatitig naman sa kanya si Ricky na halos isang oras na inabangan ang pagbalik niya galing kusina. Inirapan pa nga ito ng dalaga dahil ngiting-ngiti ito sa kanya. "Ngiting-ngiti kang mokong ka! Hindi dapat kita pinag-bake!"

Sa kusina, naroon naman si Andrei at ang kanyang mama na kanina pang humihingi sa dalaga ng kahit isa sa mga cookies, pero ni isa ay hindi sila nito binigyan. Una raw kasi nitong papakainin ang kanilang bisita na choosy raw sa meryenda.

"Ate, ikaw naman ang nagpumilit mag-bake niyan," nakangiting wika ni Andrei sa kanyang ate na kasalukuyang nakatingin sa oven na ginamit niya kanina.

"Heh! Just shut your mouth Andriano!" pagsusungit ni Andrea at ang kanyang mama naman ang lumapit dito.

"Nakakatuwa anak, talagang nag-effort ka pa na ipag-bake si Ricky," wika nito na tila kinikilig at si Andrea ay niyakap pa nga nito.

"Ihhh! Mama! Walang effort dito," pagmamaang-maangan pa ni Andrea na pinipigilang mapangiti. "Hindi na ito mauulit! Kasalanan mo itong mokong ka!"

*****

KUMUHAna nga si Ricky ng isang piraso ng cookie, natatawa pa nga siya kasi may napahalong isang pirasong hugis puso. Iyon ang kaagad niyang kinuha at napasulyap siya kay Andrea na naging cute sa kanyang mga mata dahil naka-apron ito at makikita pang pawisan.

"B-bakit may hugis heart? Para sa akin ba ito?" tanong ni Ricky na pinagmasdan pa iyon bago kumagat dito.

Napakunot ng noo naman si Andrea nang marinig iyon. "Yabang talaga ng mokong na ito. Bakit ba kasi may heart shape na cookie doon? I can't remember na gumawa ako nito."

"Kumain ka na lang, sige, mag-aayos na ako. Na-haggard. Ang init ng weather now... Huhhh!" wika na lang ni Andrea na pinaypayan ang sarili gamit ang kanyang kanang kamay. "Kainin mo na nga iyan! Hindi ko iyan ginawa para panoorin mo!"Gusto pa nga itong sabihin ng dalaga kay Ricky, pero hindi na lang niya itinuloy.

"Ang cute mo Andrea kapag naka-apron. Ngayon ko lang nalaman."

Nakatalikod na si Andrea nang marinig niya iyon mula kay Ricky. Napahinto tuloy siya at nakaramdam ng init sa pisngi niya sa hindi niya malamang dahilan. Napakuyom din siya ng kamao dahil dito. Lumunok din siya sandali ng laway at pagkatapos ay huminga siya nang malalim. Pinilit na nga lang niyang ikinalma ang kanyang sarili. "Bolero ang mokong na 'to!"

Nilingon niya ang binata at ipinakita niya ang masungit niyang itsura rito. "Hoy! Kumain ka na lang diyan. Bolero kang Mendez ka!"

Matapos nguyain ni Ricky ang unang kagat niya sa cookie na kanyang hawak ay napangiti siya sa dalaga. "Hindi kita binobola Andrea... Sadyang cute ka talaga." Muling kumagat si Mendez sa hawak niya.

"Hayop na 'to! Sige! Ituloy mo pa ang pambobola mo! Hindi ka ganyan dati, bakit ganyan ka na ngayon?"

"Shut up! I am not cute! I am beautiful!" winika ni Andrea kay Ricky na may kasamang pagpapagalaw sa kanyang buhok. Nang matauhan nga siya sa kung ano ang kanyang sinabi ay dito na siya napatingin kay Ricky na naubos na ang unang cookie na hawak nito.

"A-ano'ng sinabi mo Andrea!? Ang baliw mo!" wika ni Andrea sa sarili at parang gusto na lang niyang mapaiyak dahil doon. Bakit sa dinami-rami ng pwedeng sabihin ay iyon pa talaga. Babae pa naman siya, tapos ex niya pa si Ricky, kaya nga bigla siyang nahiya rito.

KINBEN II (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat