Bola 24

470 45 1
                                    


Bola 24

HINDI malaman ni Ricky kung ano ang nangyari. Napatingin na lang siya sa orasan sa tapat niya habang siya ay nakaupo sa salas. Alas-siete na iyon ng gabi. Ang kagustuhan nga niyang magpahinga ay naglahong parang bula.

Matapos kasi ang sinabi niya sa mama ni Andrea, ay hindi na siya nakauwi pa nang pigilan siya nitong bumalik sa tricycle. Wala na siyang nagawa dahil hinawakan na siya ng mama ng kanyang kaibigan at hiningi sa kanya ang number ng kanyang nanay para sabihing dito siya matutulog.

Nakapagpalit na siya at nakapaglinis na rin ng katawan. Pinahiram din siya ni Andrei ng susuotin at dahil maghahapunan na, ay dito nasiya tinawag ng mama nito. Nasa kusina ito at nakangiti sa paglapit ni Ricky.

"Ricky, ipagluto mo kami. Ikaw na ang bahalang umisip kung ano. Basta, nandiyan sa ref ang mga pwede mong i-cook."

Si Andrea naman ay kakalabas lang ng CR at narinig niya ang sinabi ng kanyang mama. Napatingin na lang siya kay Ricky na hindi alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinasabi sa kanya ng katabi nito.

"Ma, kagagaling lang niyan sa laro. Bakit kasi hindi mo pa pinauwi? Pagod ang isang iyan," wika ni Andrea na naglakad palapit sa ref upang kumuha ng tubig at uminom.

Dito na nga naalala ng mama niyang tama nga siya.

"S-sorry Ricky... I forgot na kakagaling mo lang pala sa laro," nangingiti na parang hindi na winika ng ginang.

"Si Yaya na ang magluluto. Call Ate Indang, Andrea."

Pagkalapag ni Andrea sa basong pinag-inuman niya sa ibabaw ng mesa ay napatingin agad siya sa pintong papunta sa likuran ng bahay nila. Doon niya nakita ang Ate Indang niya na kasalukuyang naglalaba ng pansariling damit nito. Kung tutuusin ay may lutong-ulam na naman para sa kanila, pero gusto lang kasing makatikim muli nila ng masarap na luto ni Ricky.

Pagkabalik ni Andrea sa pitsel sa loob ng ref ay dito na niya narinig ang boses ng binata.

"Okay lang po. Sige po, ako na ang magluluto," nakangiting winika ni Ricky na ikinaseryoso naman ng ekspresyon ni Andrea. Sinarhan niya ang refrigerator at napatingin sa binata.

"Pumunta ka sa salas. Manood ka ng TV. I saw your game kanina at kita ko kung paano ka nagdadagasa. Tingnan mo nga ang binti mo? May galos. Pati iyang arm mo," wika ni Andrea habang nakatingin sa binata. Ang mama naman niya ay nakangiting umalis ng kusina at iniwanan ang dalawang nag-uusap sa kusina.

Lumapit si Ricky sa ref at ngumiti.

"Concern ka sa akin?" wika ng binata na sinimulan nang tingnan ang laman ng refrigerator. Sabi nga ng mama ni Andrea, feel at home! Kung ang mama ng nililigawan niya ay boto sa kanya, magandang pagkakataon ito para magpakitang-gilas sa dalaga.

Napatingin naman nang hindi maganda si Andrea kay Ricky nang marinig niya iyon mula rito. Bigla niyang naalala na hindi gumaganito ang binata noon sa kanya. Napatikhim siya at inirapan ang binata nang hindi nakikita dahil busy ito sa pagtingin sa loob ng ref.

"Humahangin ka ah. Nagbago ka na nga Mendez," wika ni Andrea na naglakad patungo sa mga lalagyan ng seasonings sa itaas ng lababo. Binuksan niya ang cabinet sa taas noon at sumulyap kay Ricky na nakitang ang kinuha ay ang nakabalot sa plastic na gulay na pang-pakbet.

Napangiti naman si Ricky nang marinig ang sinabing iyon ni Andrea. Inilapag niya sa patungan sa gilid ang gulay at nagpunta sa gripo sa lababo upang maghugas ng kanyang mga kamay.

"Gulay, lulutuin mo?" tanong ni Andrea na ibinaba ang grapong may lamang asin at kung ano-ano pa. Nasa baba na rin ang bawang at sibuyas. Pagkatapos ay naghugas din muna siya ng mga kamay niya.

KINBEN II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon