Bola 33

415 35 0
                                    


Bola 33

NAPATINGIN si Von sa scoreboard sa itaas matapos niyang uminom ng tubig. Isa na lang ang lamang nila at kung pagbabasehan ang laro ng kanilang kalaban ay posible pang talunin sila ng mga ito. Naramdaman nga rin ng binata ang pagpunas sa kanyang pawis ng kanyang girlfriend gamit ang towel na hawak nito. Sa lahat ng babaeng dumaan sa kanya ay ito lang ang napansin niyang supportive sa ginagawa niya. Ang babae ring ito ang nag-iisang hindi siya hiningian ng materyal na bagay. Ito rin ang babaeng handang matugunan ang init na gusto niyang ilabas sa oras na maramdaman niya ito.

Alam ni Von na iba ang dalagang ito sa mga dumaan sa kanya.

"Babe, mananalo kayo. Hindi ba?" malambing na wika ng dalaga at niyakap pa nito ang kanyang boyfriend sa kabila ng pawis na bumabasa sa jersey nito.

Naramdaman naman ni Von ang malambot na dibdib nito sa kanyang likod, dahilan nga ito para mapangisi siya at paalisin ito mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Samantha, I just want to say thank you. Pero after this game, I will break you up," seryosong sinabi ni Von. Agad itong umalis at naglakad pabalik sa kanyang mga kasamahan. Naiwan namang tulala ang dalaga nang marinig iyon.

"No... Hindi mo pwedeng basta ako iwanan... Matapos kong ibigay sa iyo ang lahat."

Nagdilim na ang paningin ni Samantha matapos iyon. Una pa lang naman, ay alam na niyang hindi siya seseryosohin ni Von Aldaba dahil ito ang naririnig niya mula sa mga nakakakilala sa kanya... pero sinagot pa rin niya ito.Trip lang at lolokohin, ito ang paulit-ulit niyang naririnig mula sa mga taong nakapaligid sa kanya nang naging sila ng binata. Hindi na nga napigilan ng dalaga ang pagpatak ng kanyang luha habang nag-iingay ang crowd sa buong venue. Akala niya ay hindi siya iiyak, at akala niya ay okay lang ito sa kanya.

Pero hindi.

Ayaw niyang iwanan siya ng lalaking iyon, pero, inaasahan na rin niyang mangyayari ito. Naka-isang buwan pa lamang sila at pakiramdam niya ay napakahaba na noon.

Kumuyom na nga ang kamao ni Samantha at humarap sa bench ng Bucayao. Nakita nga niya si Von na nakatayo habang kinakausap ng coach nito. Dito na nga naglakad ang dalaga palapitsa binata.

"Von Aldaba!" malakas na tawag ng dalaga na nakapukaw ng atensyon ng mga players na malapit sa binata, at maging sa mga nasa paligid.

"Thank you. Thank you for making me happy for a little period of time..."

"And thank you for playing with me!" Malakas na sinabi ng dalaga sa lalaking iyon. Umiiyak siya dahil sa sakit at nakangiti pa siya upang ipakitang ayos lang ito.

Nilingon naman ito ni Von at napaismid na lang siya. Kagaya rin ito ng mga babaeng na-trip-an at iniwan niya. Hindi niya masisisi ang mga ito lalo't wala sa isip niya ang magseryoso sa relasyon. Kung hindi basketball, babae ang pinaglalaruan niya at tila hindi na ito maiialis sa ugali niya.

"Sumagot ka Von! Magsalita ka!"sigaw ni Samantha sa kanyang isip habang naghihintay ng sasabihin ng ex-boyfriend niya. Alam niyang hindi sasagot si Von, at alam na rin niyang nakatingin na sa kanya ang lahat. Nakakahiya ang ginagawa niya, pero wala siyang pakialam.

Tumunog na nga ang buzzer at hudyat iyon na magpapatuloy na muli ang laro. Naiwan ang dalaga at pumasok na nga si Von sa loob ng court upang maglaro. Pinanghinaan ng loob si Samantha sa ipinakita sa kanya ng lalaki. Ganoon lang kadali, at ganoon lang kabilis na naglaho ito na parang wala siyang naging parte sa buhay nito.

"Sam! Tama na! You knew what he is from the start... at nahulog ka pa rin sa kanya." Ang boses na iyon ang lalong nagpaluha sa dalaga at nang harapin niya ang pinagmulan noon ay napayakap agad siya sa kanyang kaibigang ito.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now