Bola 22

484 43 7
                                    


Bola 22

NAGMADALING BUMALIK sa loob ng venue si Andrea nang marinig niya iyon mula kay Ricky. Ikinuyom na lang niya ang kanyang kamao matapos mailagay muli sa mukha niya ang kanyang suot na facemask.Iniwasan niya ito at mas piniling manahimik na lang.

"Oo, nakikita ko nga na masaya kang naglalaro..."

Hindi rin nga maintindihan ng dalaga kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya nang oras na iyon. Alam niya sa kanyang sariliwala na siyang nararamdaman sa binata, pinipilit niya itong itanim sa kanyang utak sa tuwing makikita niya ito. Nasa isip niya pa rin kasi ang ginawa nito sa kanyang panloloko noon. Ito ang sumira ng tiwalang ibinigay niya sa binata at hindi na raw ito muling mabubuo pa. Nandito siya upang panoorin lang itong maglaro, at hindi upang mahalin muli nang totoo.

Naalala naman sandali ni Ricky ang nangyari sa kanila ni Andrea noon. Kung hindi bumalik si Mika ay baka sila pa rin nito. Pero tama lang din na bumalik ito sa kanya noon, dahil nalaman niyang hindi pa pala nawawala ang nararamdaman niya para rito nang araw na iyon. Mas nasaktan sana niya si Andrea dahil hindi pa pala nawawala ang feelings niya para kay Mika.

Pero makalipas din ang ilang buwan, ay wala na siyang naging balita pa sa dalagang iyon. Isa pa, nawala na ang pakialam niya rito. Si Mika ay parte na lamang ng kanyang highschool life na kung saan ay normal lang na magkaroon ng crush na hanggang tingin na lamang. Nawala na ang puwang nito sa kanyang puso at ang lahat ng nangyari sa kanila ay pawang alaala na lamang na mas magpapatibay ng kanyang abilidad na pang-emosyon.

Inamin ni Mika na may nararamdaman din ito para sa kanya, at masaya siya para roon. Pero hindi niya kayang makasakit pa. Mas pinili niyang mas piliin si Andrea kahit huli na ang lahat. Kahit sira na ang relasyon nila nang oras na iyon.

"Ayaw ko nang maulit iyon..."

Inilayo niya ang sarili niya sa ibang bagay maliban sa basketball. Kung dati nga'y natutuwa siya na may mga babaeng lumalapit sa kanya dahil siya si Ricky Mendez, at kung dati ay nasisiyahan pa siya kapag may nagpapa-picture sa kanya na may kasama pang paghawak... ngayon ay wala na lang ito sa kanya. Wala na ang pagkatuwa niya sa mga ganitong bagay at iniisip niyang normal na lamang ito dahil nakilala na siya bilang isang basketbolista, isa pa, kung hindi siya nakilala sa CBL ay hindi mangyayari sa kanya ang mga bagay na ito.

Kung may babae mang gusto niyang makilala at maging kalapit ng loob... walang iba iyon kundi ang babaeng naging dahilan kung bakit niya nagustuhan ang basketball. Ang babaeng nagbigay sa kanya ng ideya na masayang maglaro nito.

Magmula nang magkawalaan sila ni Andrea, at nang huli niya itong nakausap noon, matapos ang game nila sa DWCC,ay may isang bagay siyang nalaman sa kanyang sarili. Marami siyang doubt sa gagawin niya, at marami siyang what ifs sa mga bagay-bagay. May mga bagay na hindi niya nagawang panindigan at kailangan pa niya ng ibang magsasalita para lang tumaas ang kanyang kompyansa sa sarili, sa buhay man o sa laro sa loob ng court.

Binago niya ito at mas naging positibo siya at masaya, lalo na sa sports na pinaggugulan niya ng oras. Binago niya ang kanyang pananaw pagdating sa usaping puso at ganoon din sa basketball. Ginawa niya ito para sa babaeng iyon. Kahit sinabi ni Andrea na huling pag-uusap na nila ang nangyari noon... pero may mga bagay pa rin siyang pwede pang gawin, dahil kung gagawa siya ng paraan para maging ayos uli sila... may posibilidad na magkabalikan sila.

Ito ay nakadepende sa magiging desisyon niya at kanyang gagawin. Dahil sabi nga, kung gusto may paraan... kung ayaw, maraming dahilan.

Napangiti na lang si Ricky nang makabalik muli siya sa court. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang first half. Nawala na rin ang kanyang pagod, hindi dahil umihi siya at tumambay sandali sa labas... ito ay dahil alam niyang nanonood ang isang iyon.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now