Bola 68

410 35 0
                                    


Bola 68

HINIHINGAL na nagsibalikan sa bench nila ang Lumangbayan team. Binigla sila ng bench players ng Panthers, lalo na mga ni Torres. Si Kier nga ay hindi makapaniwala na may player ang kalaban na mula sa bench na hindi nagmimintis ang tres. Dinepensahan na nila ito, pero bigla na lamang itong bumibitaw ng tira kahit saan.

Napaupo si Montoya dahil sa pagod. Nahirapan siya kay Karim at mas nahirapan siya dahil pinagtutulungan siya ng isa pa nitong kasamahan na si Cepillo. Kahit bench players ay napakaagresibo ng mga iyon. Ang inakala nilang pabor na sa kanila ay hindi pala mangyayari. Ginulat sila ng kalaban at hindi nila iyon napaghandaan.

Uminom ng tubig si Kier at napasulyap sa bench ng Panthers. Napangiti na lamang siya dahil ang malakas ang team ni Mendez. Gusto niyang manalo, pero tila angat sa kanila ang kalaban. Hindi pa naman tapos ang oras, pwede pa silang manalo... kaso, mas nakikita niya sa mata ng kalaban ang mas kagustuhang manalo. May mas mataas na bagay ang gustong makamit ang mga ito sa torneyong ito kumpara sa barangay team nila na ngayon lang uli na nakasali sa ligang ito.

"Enjoy-in natin ang game! Win or lose... Mag-enjoy tayo sa laro! Okay ba iyon?" nakangising tanong ni Kier sa kanyang mga kasamahan at ang mga ito ay nagngitian. Napangiti rin ang kanilang coach na SK Chairman ng Lumangbayan. Bata pa ito kumpara sa iba at ang pagbuo ng kanilang koponan ay isa ng malaking achievement para sa kanila.

Pansamantalang nagpahinga ang starters ng Lumangbayan at ipinasok naman ng Panthers sina Mendez at Suarez kapalit nina Jimwel at Wilbert Torres. Sa natitirang mahigit isang minuto ay hindi na naka-score ang Lumangbayan at nakapagtala pa ang Canubing ng karagdagang pitong puntos sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

82-60 ang naging score at malakas na ang cheer para sa koponan ng Panthers. Nangingibabaw ang lakas ng mga sigawnila sa buong venue. Nakikita na kasi nila ang pagkapanalo kahit hindi pa man nagsisimula ang 4th quarter.

Ang silbato ng referee ay tumunog na at ganoon din ang buzzer. Magsisimula na ang huling quarter at matapos mag-usap-usap ng Panthers ay pinagpatong-patong na nila ang kanilang mga palad nang nakataob. Kasunod noon ay ang pagbaba noon mula sa itaas na sinabayan ng isang malakas na "Let's go!"

Sa pagbalik ng magkabilang koponan sa loob ng court ay sandaling nagharap sina Kier at Ricky. Mula sa seryosong mga tingin ay napalitan ito ng ngitian. Nagkamayan ang dalawang magkakampi sa CISA at nagbigayan ng kaunting mga salita.

"Congrats... Mendez!" wika ni Kier.

"Salamat sa game! Nag-enjoy ako!" ani naman ni Ricky at ang crowd ay pinalakpakan ang dalawa.

Sa Panthers ang possession ng bola at ibinaba ni Ricky ang bola sa side nila. Isang agresibong depensa kaagad ang ibinigay sa kanya ni Cunanan na nakapagpangiti sa kanila.

"Sa sunod nating game, magkakampi na tayo..." wika ni Kier at nagawa nitong tapikin ang bola matapos ang pagsalisi niya sa dribbling na ipinakita ni Mendez.

"Naagawan mo pa rin ako!" bulalas ni Ricky na tumakbo upang muling makuha ang bola. Sinabayan naman siya ni Kier.

Naggitgitan ang dalawa at ang bola ay dumiretso sa labas ng court. Tumunog ang silbato ng referee at napatawa na lang ang dalawa.

"Foul ka dapat," wika ni Ricky kay Kier at nginisian siya nito.

"Anong foul? Hustle iyon. Hindi pwedeng ikaw lang ang mayroon noon," sagot naman ni Kier. Pagkatapos ay muling sinambot ni Ricky ang bola mula sa inbound pass ni Karim.

Muling nagharap ang magkaibigan at nagngitian.

"Mas magaling ka na ba sa akin Mendez?" tanong ni Kier. Hindi naman sumagot si Ricky at dito ay ginulat niya ang kanyang kaibigan nang bumigla siya ng tira.

KINBEN II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon