Bola 83

325 34 0
                                    


Bola 83

HINDI man naging maganda ang una nilang pagkikita noon ni Ibañez, napansin niya nang muli niya itong makita noon sa facility ni Mover Flores ang pagbabago sa pakikitungo nito sa kanya. Ang player na ito ang nagustuhan ni Mika at nanloko, ang nagpabugbog sa kanya at ito rin ang player na gusto niyang gantihan sa una nilang paglalaban sa court. Kung iisipin ay napakasama noon, pero ngumiti si Ricky. Nasa loob sila ng court ngayon, at siya at si Karlo ay mga basketball player na naghahangad manalo. Nagnanais na makapaglaro nang masaya.

"Game," bulalas ni Ricky nang nasa harapan na niya si Karlo. Dati, hindi niya ito mapigilan, ngayon, ay dito na niya masusubukan kung kaya na ba niya. Naalerto siya nang sumugod si Ibañez kaya naman mabilis niyang inihanda ang kanyang lakas laban dito. Para siyang si David at ang nasa harapan niya ay si Goliath. 6'7 si Karlo habang siya ay 5'7. Pagdating sa height ay talagang dehado si Mendez laban sa katapat niya.

Isang biglaang side-step ang ginawa ni Ibañez at mabilis na sinabayan ito ni Ricky kaso, mabilis ang mga kamay ng kanyang binabantayan. Inilipat nito sa kabilang kamay ang bola at lumihis ng takbo patungo sa kabilang direksyon. Alam na rin naman ni Mendez ang posibilidad na mangyari iyon kaya nga mabilis siyang humakbang papunta sa kanyang kabilang side, kaso, yumuko si Karlo at pasimpleng inihawi ang kaliwang bisig sa kanyang tagiliran dahilan upang mawalan siya ng balanse. Sinubukan niyang makabawi kaso, napaupo siya sa court at paglingon niya sa kanyang kalaban ay nasa ere na ito. Nagpakawala si Ibañez ng isang 18-footer jumper at sa pagpasok noon ay napatingin siya kay Ricky.

Nginitian siya nito. "Mukhang hindi mo pa ako kayang pigilan, Mendez!"

Mabilis namang tumayo si Ricky. Mukhang tama si Ibañez sa sinabi nito, pero sa possession na iyon. Sa sunod na bantayan niya ito ay sisiguruhin na niyang mapipigilan ito.

"Kailangan mong makasabay sa mga ace players ng bawat team. Wala na ako, ang magaling na si Romero para tapatan sila," pagmamalaki ni Macky sa kanya nang isang beses na natapos ang kanilang practice.

38-33 ang naging score at pinatalbog na ni Ricky ang bola papunta sa kanilang side. Nakababa na rin ang kanyang mga kasamahan at kanya-kanya na sila ng pwesto. Kagaya ng napag-usapan nila, bahagyang nakalayo sa ilalim ng basket ang dalawa nilang frontcourts na sina Karim at manong Eddie.

Mabilis na umatras si Ricky nang subukang maagaw ni Ibañez ang bola. Nagkatinginan sila at dinikitan siya nito para subukang pigilan ang kanyang plano. Nanliit siya sa pagdepensa sa kanya ni Karlo, pero ito ang gusto ni Mendez.

Mas binabaan niya ang kanyang dribbling at isang player ang ipinakilala sa kanya ni Macky habang siya ay nagpa-practice.

"Try mong panoorin ang mga games ni Allen Iverson. Hindi siya matangkad pero, hindi pa rin siya mapigilan ng mga malalaking bumabantay sa kanya. Alam mo ba, number 3 rin ang numero niya nang siya ay nasa Philadelphia."

"Kaya kailangan mong gumaling sa ball handling at dribbling dahil iyan ang magiging sandata mo laban sa malalaki at matatangkad na players. Huwag mo ring kakalimutang dumiskarte."

Inalala ni Ricky ang walang tigil niyang pagsasanay ng kanyang dribbling mula noong hindi pa natatapos ang CBL at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin siya humihinto. Tumatakbo siya palagi sa umaga habang nagpapatalbog nito. Ito ang paraan ng mga kagaya niyang maliit sa loob ng court, at katulad ni Iverson... susubukan din niyang lusutan ang sinumang susubok na siya ay pigilan.

Umatras si Ricky at bumwelo. Si Ibañez ay napagalaw patungo sa kanyang kaliwa dahil sa pag-aakala nitong aatake na siya. Nagkatinginan sila sa mata at muli siyang gumalaw at mabilis na gumalaw rin ang kanyang defender. Ang bola sa kanyang mga palad ay malumanay muna niyang pinatalbog at isang hakbang pauna ang kanyang ginawa. Kasunod din noon ay ang pagpapatalbog ng bola sa pagitan ng kanyang nakabukang mga hita. Ang kanyang defender ay hinayaan niyang panoorin siya at sa pag-atras niya ay bumigla siya ng abanteng may kasamang pagyuko.

KINBEN II (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon