Bola 62

445 35 0
                                    


Bola 62

ISANG araw bago ang sunod na laban ng Panthers.

Nakatanggap si Ricky ng chat mula kay Kier. Gusto nitong pumunta siya sa bahay nito bago magtanghalian. Kaya nga nagpaalam ang binata sa kanyang nanay na mapunta siya sa kaibigan niya sa CISA rin nag-aaral at kasama niya sa team. Naging active nga rin ang GC ng CISA Flamers nitong mga nakaraang araw, matapos matalo nina Ricky ang team ng Lalud. Next game raw ay manonood na ang mga kakampi niyang nandito sa Calapan.

Nalaman nga rin ni Ricky na kasali pala si Kier sa team ng Lumangbayan na sunod nilang makakalaban. Mas lalo tuloy siyang na-excite sa sunod nilang game. Kung may hindi man inaasahang nangyari kahapon sa Lalud, alam naman niyang lilipas din ito. Ang nangyari namang paghuli kay Harold Salazar ay nabalita sa buong Calapan at marami rin ang nagulat doon.

"Isama mo jowa mo... Meron ka ba noon?" natatawang winika ni Kier sa kabilang linya nang tawagan niya si Ricky.

Bahagya namang napangiti si Mendez dahil doon. "Kapag may kasama ako, mayroon... Kapag wala, alam mo na. Bakit ba kailangang isama?" tanong naman ni Ricky.

"Tanda mo pa ba iyong ikinwento ko sa iyo? Si Trisha?"

Naalala nga ni Ricky iyon. Tanda niyang nagkwento si Kier tungkol sa girlfriend nitong taga-Manila.

"Oo p're. Bakit?" tanong ni Ricky.

"Nagbabakasyon siya rito. Pinayagan siya ng kanyang papa na dito muna sa bahay tumigil!"

Napangiti nga ang dalawa dahil doon. "Talaga?" ani Ricky. "Ayos ah, sige. Isasama ko si Andrea bukas."

"So, nagkabalikan na uli kayo?" tanong naman ni Kier.

"Oo p're. Binigyan ako ng second chance," wika naman ni Mendez habang nakatingin sa malayo.

"Ayos iyan. Magtino ka na ah. Stay loyal!" natatawang sinabi pa ni Kier bago matapos ang usapan nilang iyon.

*****

PUMUNTA muna si Ricky kina Andrea bago dumiretso kina Kier. Nasabihan na naman niya ang dalaga at pagdating niya ay nakabihis na ito. Nalaman nga rin ni Ricky na umalis na pala ang mama ng dalaga. Kaya pala nag-chat ito sa kanya noong isang gabi.

Nakalagay roon na ingatan niya raw ang anak niyang si Andrea at huwag na muling sasaktan. Sinabi naman ni Mendez na gagawin niya iyon at makakaasa ito na hindi na niya sasaktan ang anak nito.

Lumabas na nga si Andrea mula sa loob ng kwarto nito at napatayo na lang si Ricky nang makita ito. Nakasuot si Andrea ng black na sleeveless na sinamahan ng fitted white pants. Nakasuot din ito ng gray na snickers. Maayos din na nakatali ang buhok nito at paglapit kay Ricky ay pinalakpakan niya ito sa may mukha.

"Natulala ka ba sa kagandahan ko?" pagmamalaki ni Andrea sa binata at napangiti na lang si Ricky.

"Baka nakakalimutan mo, hindi tayo magde-date. Pupunta tayo kina Kier," natatawang sinabi ni Ricky at kinurot siya ni Andrea pagkasabi niya noon.

"Ang KJ mo Mendez. May date man tayo o wala, gusto ko, maganda ako sa eyes mo," ani ng dalaga at pinagmasdan din niya ang suot ng binata na blue poloshirt at maong pants na tinernohan ng white shoes.

Napansin nga ni Andrea na hindi ayos ang kwelyo ng kanyang boyfriend kaya inayos niya ito habang nakangiti sa binata.

Mula sa likuran ng dalawa ay tumikhim naman si Andrei na may hawak na platitong may nakalagay na mga hiniwang hilaw na mangga.

"Baka langgamin kayo ate. Pasensya na pag-eksena ko," natatawang wika ni Andrei at napatawa pa ito.

Kinumusta naman nga ni Ricky ang kaibigan at sinabing okay lang. Manonood daw siya ng game bukas. Kasama sina Mike at Roland na pabalik na ng Mindoro ngayong araw mula sa Batangas.

"P're, ikaw na mag-adjust kay ate ah. Ako lang ang hindi makapag-adjust diyan," ani pa ni Andrei na mabilis na tumakas mula sa kanilang likuran dahil baka batuhin siya ng kanyang ate.

"Andriano! Mamaya ka sa akin pagbalik!" wika naman ni Andrea na lumingon kaagad sa likuran, kaso nakatakbo na kaagad ang kanyang kapatid na tumatawa. Napatawa na rin nga lang si Ricky dahil sa magkapatid at niyaya na nga niya si Andrea na lumabas na.

Sumakay sila ng tricycle at nagpunta na kina Kier. Ilang minutong byahe iyon at si Ricky ay natatandaan pa naman ang bahay ng kaibigan dahil nakapunta na siya rito. Bumaba sila sa tapat ng isang puting bahay at pagtapat sa gate ay dito na siya tumawag.

Bumukas kaagad ang pinto at nakita niya si Kier na naka-shorts at sando nang oras na iyon.

"Hoy! Pumasok na kayong dalawa! Bukas iyan!" malakas na sabi ni Kier na napangiti nang makita ang kanyang bisita. Hinintay niya ang dalawa sa terrace para salubingin at napangiti uli siya dahil sa porma ng dalawa.

"Pormado kayong dalawa ah..." ani Kier.

"Si Andrea nga pala p're, girlfriend ko," pagpapakilala naman ni Ricky sa kasama niya.

Si Kier naman ay napangiti. "Parang iba na naman iyan?" Naisipan niyang biruin ang dalawa at napatawa si Ricky nang marinig iyon.

Bumukas muli ang pintong may screen at lumabas doon ang isang babaeng nakasuot ng jersey na tshirt at naka-shorts ng maikli. Maganda ito at may mahabang buhok.

Hula ni Ricky ay ito si Trisha kaya nga bumawi siya kay Kier.

"S-sino iyan p're? Hindi iyan iyong kasama mo rito noong isang araw ah?" ani Ricky at napaseryoso ng tingin ang dalagang lumabas kay Mendez.

"Gago ka Mendez! Baka maniwala iyan," natatawang winika ni Kier sa binata at maging si Andrea ay napatawa na rin lang.

"Hindi nga Kier? Baka naman totoo iyon?" seryosong winika ni Trisha kay Kier.

"S'yempre hindi!" sagot agad ni Kier at napatingin ito kay Mendez.

"Hayop ka Mendez! Dapat pala ay hindi na kita pinapunta rito," pagkasabi nito ni Kier ay napatawa na lang ang tatlo dahil doon. Lalo na nga sa itsura ni Kier habang sinasabi iyon.

Ipinakilala na ni Kier si Trisha sa dalawa at pagkatapos ay pinapasok na niya ang mga ito sa loob. Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay nag-movie marathon ang apat habang umiinom ng kaunting alak.

"P're, goodluck sa game bukas... Napanood ko ang laro mo sa Lalud. Ang laki ng improvement mo," ani Kier matapos maubos ang laman ng isang lata ng beer.

"Salamat din p're, at goodluck din. Bukas, galingan natin... Pero gusto kong kami ang manalo. Gusto ko kasing makalaban ang Camilmil! Hindi kasi ako nakalaro noong unang game kontra sa kanila," nakangiting wika ni Ricky matapos ding maubos ang laman ng isang can beer na hawak niya.

Ang dalawang lalaki ay nag-usap tungkol sa magiging laro nila bukas. Habang ang dalawa namang babae ay busy sa pag-iyak sa kanilang pinapanood. Seryoso lang silang nanonood habang umiinom ng beer na nasa lata.

"Wala talagang kwenta ang mga lalaki kapag manonood ng romantic movie," wika ni Andrea matapos kumain ng mani.

"Oo nga, sabi, movie marathon, pero tayo lang ang naka-pokus sa movie," ani naman ni Trisha. Nakaupo sa sahig ang dalawa habang isinasapuso ang palabas na kanilang pinapanood.

ISANG araw rin bago ang game nila sa Lumangbayan, makikita naman si Martin Suarez na nakatayo sa harapan ng bahay nina Baron. Hinihintay niya itong dumating dahil gusto niya itong makausap nang masinsinan.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now