Bola 65

464 44 1
                                    


Bola 65

NAG-AABANG na ang Camilmil sa sinumang mananalo sa dalawang koponang kasalukuyang naglalaban. Pareho na nilang tinalo ang dalawa team na ito. Ang Camilmil Red Lions na lamang ang walang talo sa kaliwang side ng bracket. Upang mailaglag sila sa liga ay kailangang matalo ng dalawang beses ang mga ito. Pero kung sakaling manalo sila sa unang game, tiyak na muli ang pagpasok nila sa Finals.

Nakita ni Martin ang posibilidad na iyon kung sakaling sila ay manalo kontra sa Lumangbayan. Kung siya at si Mendez ang magmamando ng opensa ay baka kulangin ito. Nakalaban na nila ang Camilmil sa una nilang game sa liga at lahat ay pumumuntos sa starting 5 ng defending champion.

Ayaw man niyang gawin na kausapin si Baron, pero kailangan... dahil gusto niyang manalo!

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Ito ang tanong na binungad sa kanya ni Baron nang dumating ito sa kanilang bahay nang hapon na iyon.

Pinagmasdan ni Martin ang binata bago magsalita. "Mag-usap tayo," sambit nito na inismidan naman ni Baron.

"Magsasayang ka lang ng laway mo. Umuwi ka na. Hindi na ako babalik sa team. Kaya na ninyo... at isa pa. Ayaw kong masira ang team ninyo dahil sa init ng ulo ko sa game," dagdag pa nito sa kanya na dumiretso na sa loob ng kanilang bahay. Kaso, bago pa man ito makarating sa terrace ng kanilang bahay ay muling nagsalita si Martin.

"Kailangan ka namin para matalo si Mover Flores!" winika ni Martin at bahagyang napahinto si Baron nang marinig ang pangalang iyon.

Sino ba naman ang hindi makakakilala sa player na iyon? Ito ay ang may-ari ng Camilmil team, at ang ace player ng koponang ito. Ito rin ang sinasabing pinakamagaling na player ng Calapan City at pwedeng isa rin sa pinakamagaling sa probinsya.

Bahagyang kumuyom ang kamao ni Baron. Gustuhin man niyang pumasok sa loob ng kanilang bahay ay hindi niya magawa. Isang beses pa lang niyang nakakalaban si Mover at ito ay nang mataong nasa Camilmil Barangay Court ito. Alam ng marami na hindi basta-basta nakikisalamuha si Mover sa iba, pero nang makita niya ito ay agad niya itong hinamon sa isang laro. Alam din ni Baron na posibleng hindi ito tanggapin ni Mover, kaso, nagsalita ito at nagtanong.

"What's your name dude?" nakangiting tanong ni Mover na nagpalunok ng laway kay Baron. Maangas si Baron, pero sa harapan ng manlalarong ito ay tila iba siya. Ito lang kasi ang hinahangaan niyang manlalaro sa kanilang lugar. Gusto niyang maging katulad nito, napapanood niya kung paano ito gumalaw at maglaro sa loob ng court. Iba si Mover sa lahat ng kanyang nakalaban at nakita. Ibang lebel ito kumpara sa iba.

"A-ako si Barthomeo Semeron! Ang magiging pinakamalakas na manlalaro ng Calapan!" Hindi malaman ni Baron kung saan niya nakuha ang lakas ng loob na iyon. Sinabi niya kay Mover ang mga salitang iyon nang walang pag-aalinlangan at dito na nga napatawa ang kanyang nasa harapan.

"So, mas magiging mas magaling ka sa akin dude?" nakangising tanong ni Mover at mula sa isang player sa loob ng court ay hiningi niya ang bola. Kahit hindi ito nakasuot ng panlarong damit ay nginitian niya si Baron sabay sabing tinatanggap niya ang hamon ng lalaking lumapit sa kanya.

Ang mga nasa court ay nabigla na lang nang marinig ang pagtalbog ng bola mula sa mga kamay ni Mover. Nakita na lang nila na may dalawang players ang naglalaban sa kabilang side ng kanilang basketbolan.

Makalipas ang labang iyon sa pagitan ni Mover at Baron, makikitang nakangiti ang isa habang ang isa naman ay nakaupo sa sahig ng court at pagod na pagod.

"Ang lakas niyang maglaro!" bulalas ni Baron sa kanyang sarili habang inaalala ang kapalpakang kanyang nagawa. Ni isang puntos ay hindi niya nagawa laban kay Mover. Nababasa nito ang kanyang galaw at kahit gumamit siya ng pisikal na lakas ay nakakasabay pa rin ito.

KINBEN II (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя