Bola 69

448 36 0
                                    


Bola 69

IMINULAT ni Ricky ang kanyang mata kinabukasan, ito ay matapos ang araw na tinalo nila ang Lumangbayan. Hindi na nga niya maalala kung anong oras na siya nakatulog kagabi. Ang tanging tanda niya ay pagod na pagod siya at sa paglapat ng kanyang likod sa higaan ay nakatulog na lang siya nang hindi namamalayan.

Iginalaw-galaw niya ang kanyang binti at bisig habang nakahiga. May kaunting hapdi roon na dulot ng laro kahapon, pero ito ay normal na nararamdaman niya kapag may laro sila. Sumasakit nang sandali ang ilan sa kanyang mga muscles at nawawala rin naman ito sa pagdaan ng mga araw.

"Kailangan ko nang bumangon!" bulalas ni Ricky at mabilis siyang tumayo mula sa pagkakahiga. Sandali pa nga siyang huminga nang malalim bago tuluyang lumabas ng kanyang silid.

"Magandang umaga anak," ito naman ang ibinungad sa kanya ng kanyang nanay na kasalukuyang nagkakape sa kanilang salas. Napatingin tuloy siya sa orasan sa kanilang dingding, alas-kwatro pa lamang ng umaga ang nakita niya. Nagulat kasi siya na maagang nagising ang kanyang ina, gayong wala naman siyang pasok pa.

Isang ngiti at pagbati rin nga ang ibinigay ni Ricky sa kanyang nanay bago siya tuluyang pumunta sa CR upang maghilamos. Napatingin nga siya sa salamin at naalala na ang makakalaban na nila sa sunod ay ang Camilmil. Nakita niyang malakas ang defending champion at nang pagmasdan niya ang mga players nito ay nakaramdam siya ng kabang kanyang hindi inaasahan.

Napahawak siya nang mahigpit sa pinapatakan ng tubig sa kanyang harapan. Huminga siya nang malalim at ikinalma ang isip. "Huwag kang kabahan Ricky Mendez! Malakas din ang team ninyo!"winika na lang niya sa kanyang sarili at pagkatapos niyang lumabas ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit. Hindi siya pwedeng lumaktaw ng araw sa kanyang araw-araw na ginagawang morning routine. Isinuot niya ang shorts at jersey niya sa CISA. Pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanyang nanay at lumabas siyang dala-dala ang kanyang bola.

Pagkalabas niya ng bahay ay nagulat siya nang may mga kalalakihang naroon.

"Ricky Boy, magandang umaga," wika ng isa at nakilala niya kung sino ang mga ito. Ito ay ang mga teamates niya sa Panthers at lahat sila ay mga nakasuot ng jersey.

"Kanina ka pa naming hinihintay," wika naman ni Kuya Tristan niya na nagja-jogging nang hindi umaalis sa kanyang pwesto.

"Tara na, takbong-takbo na ako," nakangiti namang winika ni Konsehal Wilbert at bahagyang nagtawanan ang mga kasamahan niya.

"Konsehal, sigurado ka bang kaya mo?" tanong naman ni Alfredo. "Baka naman mapagod ka kaagad kapag nagsimula tayo." Biro pa nito at nagtawanan lalo sila.

"Mga bastos kayo ah! Kaya nga ako sasama para ma-exercise. Kung maiwan man ako ay umuna na kayo," ani pa ni Konsehal at napangiti ang kanyang mga kasamahan.

"S'yempre konsehal, hindi ka namin iiwanan. Secret weapon ka ng team," ani naman ni Florante at ang biruan ay napalitan ng ngitian.

"Kasama ko naman si Mei, ito ang aalalay sa akin," ani konsehal at nakita nga nila ang magandang anak nito na nakasuot ng black-fitted cotton pants at white shirt. Napatingin tuloy sila kay Ricky dahil doon.

"Magsimula na tayo," ani Ricky na nangingiti dahil sa pagtingin sa kanya ng mga kasama niya. Alam niya ang ibig-sabihin ng mga ito. Napatingin nga rin siya kay Mei na nakuha pa siyang ngitian, pero isang babae lang ang pinaka-cute at pinakamaganda para sa kanya... si Andrea Cervantes. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi nito sa kanya kahapon.

"May outing kami ng friends ko sa Puerto Galera sa Thursday, sumama ka," ani sa kanya ni Andrea after ng game nila sa Lumangbayan.

"H-hindi ba nakakahiyang sumama dun?" nangingiti niyang tanong habang pinupunasan ng dalaga ang kanyang pawis sa kanyang braso.

KINBEN II (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang