Bola 25

492 45 1
                                    


Bola 25

KINABUKASAN, napamulat na lang si Ricky na dama ang sakit ng kanyang buong katawan. Napatingin nga agad siya sa kanyang katabing si Andrei, at wala na ito roon. Nakaramdam pa nga siya ng bahagyang sakit sa kanyang ulo na tila sinasabing pumikit pa siya at matulog pa rin.Pero hindi pwede.

Kinapa niya ang cellphone na nakaipit sa ilalim ng kanyang unan. Kinuha niya iyon at tiningnan ang oras.

"Alas-otso na pala!" bulalas niya at agad na bumangon. Agad siyang pumunta sa harapan ng salamin at nagtanggal ng muta bago tuluyang lumabas. Hindi na nga siya tumingin sa paligid, habang siya ay naglalakad papunta sa CR nina Andrei. Pagdating niya sa harapan ng kanyang destinasyon ay bigla naman iyong bumukas at tumambad sa kanya ang isang babaeng gulo-gulo ang buhok. Basa ang mukha nito na mahahalatang naghilamos. Nakasuot ito ng pantulog at nang makita niya si Ricky ay napayakap kaagad ito sa kanyang dibdib.

Walang suot na bra si Andrea at nanlaki ang kanyang mata nang makita si Ricky sa kanyang harapan. Hindi na siya nagdalawang-isip na tumakbo pabalik sa kanyang kwarto. Napatingin na nga lang ang binata sa inasal ni Andrea. Balak pa sana niya itong batiin ng magandang umaga, kaso, hindi na iyon umabot.

"Ano kayang problema noon?" tanong ni Ricky na napakamot na lang ng ulo nang pumasok sa loob ng CR. Naghilamos siya at nagmumog ng tubig. Pagkalabas niya rito ay nag-ayos na siya ng sarili at nagpalit ng damit. May isang shirt siyang baon at hihiramin na lang daw niya kay Andrei ang shorts nito.

"Pre! Goodmorning, dito ka na mag-agahan," wika ni Andrei na kakapasok lang sa loob ng kwarto nito. Naabutan niya si Ricky na nagsusuklay ng buhok sa harapan ng salamin.

"Salamat pre. Pero uuwi na ako, maglalaba pa ako," natatawang tugon ni Ricky. Dapat nga siya ay mag-e-exercise pa, pero wala na siyang oras para gawin ito. Nananakit pa nga ang kanyang katawan, pero ininda niya ito at kumilos siya na parang normal sa paglabas nito mula sa kwarto ng kanyang kaibigan.

Naroon na sa labas ang mama nina Andrea at nang makita siya ay sinabing mag-agahan daw muna siya. Kasunod na rin nga nito si Andrei na nagbihis ng medyo okay na damit. Ihahatid daw niya ang kanyang kaibigan pag-uwi.

"Tita, sa bahay na po ako. Yaan po ninyo, babalik naman po ako rito," nakangiting winika ni Ricky at lumabas na rin si Andrea mula sa kwarto nito na nakapambahay na ng suot. Maluwag na shirt iyon at may suot itong shorts sa ilalim noon na medyo hindi makikita dahil mahaba ang laylayan ng kanyang suot. Nakapuyod na rin ang buhok nito at makikita ang makinis at maputi nitong batok. Pasimple nga siyang tumingin kay Ricky na nagpapaalam sa kanyang mama.

"Uuwi na ako," wika pa ni Ricky habang nakatingin kay Andrea. Pero sinamaan lang siya ng tingin nito at umalis na papunta sa kusina. Napangiti na nga lang ang mama ng dalaga nang makita ang ginawa ng anak. Alam niyang umaga na nang matulog ito at tila may ka-chat pa ito nang kanyang silipin. Isa pa, tanghali na rin nagising si Ricky kaya isang bagay ang nasa isip niya nang makaalis na ang anak niyang si Andrei, kasama ang kaibigan nito--- magka-chat ang dalawa.

Habang nasa byahe ay nakatingin lang sa labas si Ricky. Bangag pa ang kanyang pakiramdam hanggang sa naisip niyang buksan ang kanyang phone at tingnan ang kanyang messenger.

May message mula kay Andrea siyang nakita.

"Wg k ng bblik dito! pasabi kay andriano, bumiling ripe mango."

Nakangiti naman si Ricky na nag-reply.

"nglilihi k ba?"

Isang angry reaction ang ibinigay ni Andrea sa chat niya at pagkatapos hindi na siya nito ni-reply-an pa.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now