Bola 5

1K 149 28
                                    

KINBEN II
by TaongSorbetes

10-29-20

******

CHAPTER 5

ILANG araw bago pormal na magsimula ang Inter-Barangay na sasalihan ni Ricky, ang mga players na kinuha ng kanilang kapitan ay ipinatawag na nito sa kanilang court. Hapon na iyon sapagkat ang ilan sa mga kasali rito ay may mga trabaho sa araw.

Si Ricky nga ay nag-chat sa kaibigan at teamate niyang si Rodel kung ito ba ay kasali. Ang sagot ng kanyang kasamahang ito ay tinanggihan daw nito sapagkat tutulong siya sa kanyang nanay sa palengke at magkakargador siya sa palengke sa araw para may pandagdag sa tuition nito sa darating na pasukan.

Gustuhin man ni Rodel na sumali at tanggapin ang alok ng kanilang kapitan ay hindi na niya ito napaunlakan dahil mas inuna nito ang mas kailangan.

Pagdating ni Ricky sa covered court na malapit lang sa kanilang bahay ay napansin agad niyang may mangilan-ngilan na nakaupo sa palibot ng lugar. Mga ka-barangay niya ito. May mga bata, may mga matatanda at may mga kababaihan. Hindi man halata sa mga taga-Canubing 1, pero pagdating sa liga ng barangay o kahit sa inter-sitio na ginaganap dito tuwing lilipas ang tatlong taon... masasabing maraming taga-rito ang nanonood at handang suportahan ang kanilang koponan.

Pagtuntong pa lang ng sapatos ni Ricky sa court ay siyang pagtingin sa kanya ng mga nasa loob ng court. Naroon ang kanilang kapitan at ang mga SK Officials sa pangunguna ng chairman nito.

"Hello! Ricky! Mabuti't tinanggap mo ang alok ni Papa," ito ang binungad sa kanya ng katabing babae ng kanilang kapitan na si Mei. Ka-edad ito ni Ricky at kaklase niya ito magmula elementary hanggang high school.

Ngumiti naman si Ricky matapos tingnan nang mabilis ang dalagang si Mei.

"Ricky Boy! Ayos ah, kasali ka sa amin... Galingan natin!" nakangiting wika sa kanya ni Manong Eddie.

Sa pagkakaalala ni Ricky, isa si Manong Eddie sa matagal nang naglalaro ng basketball dito sa kanila at parang alam niyang madalas na kasali ito sa liga palagi taon-taon.

"Oo nga po. Makakalaro ko kayo," masayang tugon ni Ricky na lumapit agad kay Manong Eddie at nagngitian.

Naroon din si Kuya Kaloy niya at si Kuya Tristan niya. Binati rin siya ng mga ito. Ganoon din ang kanyang Kuya Alfredo na mukhang kakagaling lang sa trabaho dahil nakikita pa niya ang ilang bakas ng semento sa suot nitong pantalon. Mukhang hindi pa ito nakakauwi.

Napansin din ni Ricky ang kanyang Kuya Martin. Nginitian niya ito.

"Kuya! Sa wakas, magiging magkakampi na rin tayo," winika ni Ricky. Sa tuwing maglalaro kasi sila ay palagi itong nasa kabilang team.

Hindi siya pinansin ni Martin at inaasahan na rin naman iyon ni Ricky.

Napatingin din siya sa mga kasama pa nilang iba. May apat pa silang mga kasama. Ang ilan dito ay namumukhaan niya pero bihira niyang makalaro ang mga ito kumpara sa limang mga kakilala niya.

"Ricky Mendez..."

Biglang nagsalita ang isa sa mga iyon. Tila kaedadin niya ito at kilala ito ni Ricky sa mukha. College na rin ito at sa CLCC ito nag-aaral kung hindi siya nagkakamali.

"Magiging kakampi ka pala namin. Napanood kita sa CBL. Hindi ko akalaing naglalaro ka pala..." wika ng binatang ito na kulot ang buhok. 5'7 ang taas nito at makikitang medyo payat ito.

"O-oo, kahit ako. Hindi ko rin akalain," natatawang sagot ni Ricky rito.

"Nga pala. Jimwel. Jimwel Albañez. Nag-try-out ako sa CLCC kaso... Hindi pinalad," pagpapakilala nito at nakipagkamay agad ito kay Ricky.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now