Bola 78

367 33 0
                                    


Bola 78

MAKALIPAS ang ilang minutong warm-up ay pumunta na sa gitna ang magkabilang koponan. Ang mga nakaitim at nakapula ng jerseys ay isa-isang pinagmasdan ang mukha ng kanilang mga kalaban. Si Kap nga ay napalunok ng laway nang mapatingin sa coach ng Red Lions.

"Good luck sa ating game Coach Torres," nakangiting winika ni Mover na nakasaklob sa likod ang nakabukas niyang red jacket na may logo ng leon. Nakalagay sa likuran noon ang numero uno, Flores at ang "COACH" na salita sa ibaba nito.

Kinamayan ni Kap ang player na ito. Nakita niya na may laman ang ngiti nito. Naalala tuloy niya noong unang game nila kung saan ay tinambakan sila ng mga ito. Hindi niya alam kung paano nila tatalunin ang mga ito... Pero, kung mangyayari ang naiisip niya, baka may maliit na tsansa.

"Goodluck din sir Mover. Sana hinding maging kagaya ng first game ang maging laban natin dito," nakangiting sagot ni Kap.

Nagkamayan din ang bawat players ng magkabilang koponan at bago pa man sila bumalik sa kanilang bench ay nilapitan pa ni Mover si Ricky at kinausap. Napansin din iyon nina Baron at Martin bago sila bumalik sa kanilang pwesto.

"Ricky, let's have a great game! Good luck!" wika ni Mover sa binata na nakangiti na tila pinipilit. Tinapik pa niya ito sa balikat at bumalik na nga ito sa kanilang bench.

Tanging pagtango lang naman ang naisagot ni Ricky sa sinabing iyon ni Mover. Huminga na nga lang siya nang malalim dahil may kaba siyang nararamdaman nang oras na iyon."Bakit kabado ako? Hindi maganda ito."

Pagkabalik niya sa bench ay kinausap na siya ni Kap at dito na nga nito pinaghanda ang starting 5 na unang papasok sa game.

Samantala, sa malaking bilang ng crowd na nasa loob ng venue ay iba't ibang grupo ang narito para manood ng game. Nasa lugar ang koponan ng Lazareto at Sta. Isabel na siya namang maglalabanpagkatapos ng larong ito. May ilang mga koponan din ng CBL ang narito katulad ng City College of Calapan, DWCC, St. Anthony at Minscat.

"Ang laki na ng ipinagbago ni Ricky Mendez," winika ni Benjo Gado, dating player ng Minscat sa kasama nitong si Royce Avenido. Parang bumalik sa alaala nila ang naging laro nila laban sa CISA last year, kung saan ay sila'y natalo.

"Pero interesado ako sa Camilmil lalo na kay Mover. Kung matatandaan mo, wala pa si Mendez sa Panthers nang una silang maglaban," ani naman ni Royce.

Sa kabilang side naman ng venue ay naroon ang kambal na Troy at Trey na kasama ang ilang kakampi nila sa DWCC. Tiyak silang magiging maganda ang game na ito, lalo pa nga't maglalaro na si Baron at pakiramdam ng dalawa ay may gagawin ito.

"Kaso, ang pusta ko ay sa Camilmil ko inilagay," natatawang winika pa ni Trey sa kanyang kapatid. Kapwa kasi pumusta ng tig-dalawang libo ang mga ito sa kalaban ng kanilang kaibigan na si Baron.

"Kahit saan naman tingnan ay wala silang pag-asang matalo ang koponang may Mover Flores..." sambit pa ni Trey at napaseryoso naman si Troy habang nakatingin sa bench ng Panthers.

"Pero bilog ang bola... Hangga't hindi pa napupunta sa zero ang oras ay marami pang pwedeng mangyari," wika naman ni Troy at napangisi si Trey dahil doon.

"Anong bilog ang bola? Tumigil ka nga... Sayang ang 2k nating dalawa," ani Trey at napatawa nang bahagya ang magkapatid.

"Ay oo nga! Dapat Camilmil talaga ang manalo," wika ni Troy at kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa.

Seryoso namang nag-aabang si Reynold Martinez sa game. Kasama niya ang buong koponan ng St. Anthony at lahat sila ay nasa Canubing ang suporta dahil kay Mendez.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now