Bola 42

396 28 0
                                    


Bola 42

SINAMBOT ni Alfante ang bola mula kay Johnson at nasa kanila na muli ang possession. Pagdating sa side nila ay mabilis siyang binantayan ni Ricky na ikinaseryoso niya kaagad. Pinatalbog niya ang bola nang maayos sapagkat alam niyang posibleng maagawan siya nito. Naalala pa niya ang ginawa nito kanina, ramdam pa rin niya ang inis sa pangyayaring iyon.

"Mendez, Mendez, kung ganoon, marami ka nang alam sa basketball ngayon," mahinang winika ni Rommel at dito na siya kumuha ng bwelo. Aminado siyang magaling ang ginawa ni Mendez, pero para sa kanya ay siya ang mas malakas kumpara rito. Siya ang mas magaling.

"Magaling na player si Mendez." Bigla rin niyang naalala ang sinabi ni Karlo Ibañez matapos ang laban nila noon kontra sa CISA. Simula ng araw na iyon ay parang hindi na siya pinapansin ng kanilang ace player at palaging nakapokus na lang din ito sa kanilang rookie na si Ken Mendoza. Parang dati rati'y palagi siyang pinagsasabihan nito tungkol sa mga dapat gawin, sa mga dapat na maging play kapag sila ay naglalaro.

Mula sa kanyang kuya, sa team, at ngayon, sinasapawan siya ng isang Ricky Mendez.

Isang mabilis na drive ang ginawa ni Rommel. Nag-iba ang dating nito at mas lalong naging seryoso. Naramdaman naman agad iyon ni Ricky kaya inihanda niya ang kanyang sarili sa pagdepensa rito.

"Wala kang binatbat sa akin Mendez," mahinang winika ni Alfante at dito'y bumigla siya ng hinto. Kasabay noon ay ang isang patago at hindi kalakasang tulak ng kanan niyang kamay sa katawan ng kanyang defender.

Napadiretso si Mendez at dito na siya pinagmasdan ni Rommel na biglang humakbang paatras. Isang step-back jumper iyon at pumasok iyon sa basket na nagpaingay na naman sa mga taga-Lalud.

6-2 na ang score at habang paatras na lumalayo si Rommel ay nginisian niya pa si Mendez.

"Nakikipagkompetensya ka sa akin Rommel," winika naman ni Ricky habang nakatingin dito. Muli nga niyang sinambot ang bola mula kay Karim at dito na nga sila dumiretso sa kanilang side.

Nakita kaagad niya ang agresibong pagbabantay sa kanya ni Rommel. Hindi siya nito palulusutin at kapag nagkamali siya ng kilos ay posibleng maagawan siya nito ng bola.

Napansin naman ni Baron na bahagyang nahihirapan si Mendez na makalusot kay Alfante. Dito nga ay mabilis siyang tumakbo palapit dito. Sinabayan naman siya ni Serna at binilisan nila ang kanilang paggalaw.

"Pasa!" bulalas ni Baron. Nang marinig naman iyon ni Rommel ay dito siya napaseryoso. Kagaya lang ito noong kanina. Posibleng linlangin na naman siya ni Ricky kaya mas minabuti na lamang niyang bantayan ito.

Napansin naman iyon ni Mendez at mas nilapitan pa siya ni Rommel dahilan upang mabilis niya itong talikuran. Nakita na nga niya ang pagpunta sa harapan niya ni Baron at mabilis niyang ibinigay rito ang bola. Pagkabigay niya sa bola ay mabilis siyang humakbang pauna, palapit dito. Nakita ni Morris ang nangyari at mabilis niyang hinabol si Baron na ginamit ang katawan ni Mendez para kumilos nang maayos.

Isang pagngisi ang makikita kay Baron sa paglampas niya kay Mendez. Si Rommel, napatingin dito. Nakita niyang bumangga si Morris sa screen na ginawa ni Ricky. Wala siyang ibang choice kundi ang dumipensa rito.

"Semeron!" bulalas niya sa kanyang sarili. Paglapit niya rito ay pinagmasdan muna siya ni Baron.

"Alfante, ano'ng panama mo sa akin?" tanong nito rito na nagpakuyom ng kamao sa point guard ng Lalud.

"Mayabang ka rin," sambit naman ni Alfante na mabilis na hinabol ang bola sa kamay ng manlalaro ng Canubing. Subalit, maagap si Baron, bigla itong nag-step-back. Naiwanan niya si Rommel at dito na nga siya tumalon para sa isang two-point shot.

KINBEN II (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora