Bola 46

363 36 3
                                    


Bola 46

SA GITNA ng pakikipag-away ni Baron sa isang kalaro sa basketball na ayaw magbayad sa kanilang pustahan ay hindi niya inaasahang makikilala ang dalagang si Arriane.

"Ibibigay mo rin pala. Gusto mo pang masuntok," sambit ni Baron na kinuha ang perang iniabot ng lalaking dumurugo ang ilong dahil sa kanyang ginawa. Kasama niya ang kanyang mga katropa at ito naman ang bumugbog sa mga kakampi ng kanilang tinalong grupo sa isang barangay. Nagkabigayan sila sa likuran ng cover court ng lugar at hindi nila inaasahang aangasan sila ng mga talunang iyon.

Tumatawa nilang iniwanan ang mga nabugbog na lalaki kaso, isang babaeng nakasalamin ang makikita nilang pinapanuod ang kanilang ginawang iyon. Napansin iyon ni Baron, kaso, hinayaan lang niya iyon dahil wala rin naman itong magagawa.

"Ikaw 'yong tinatawag nilang Baron? Tama ba?"

Napahinto ang binata at maging ang mga kasamahan niya nang marinig iyon mula sa babae.

"Boss, fan mo yata," sabi ng isang kalbong kasamahan ni Baron.

Napangisi naman ang binata at sinabing umuna na ang mga ito. Pagkatapos ay inayos ng binata ang kanyang mahabang buhok at nilingon ang babaeng nakatingin sa kanya.

"Ako nga? Bakit? May problema ba?" maangas na tanong ni Baron sa dalaga. Gusto niya itong takutin, sa pamamagitan noon, isama pa ang titig niya rito na pinasadahan ang babae mula ulo hanggang sa paa nito. Subalit isang ngiti ang biglang sumilay sa dalaga at ang bagay na iyon ang naging dahilan upang kumislap sa mga mata ni Baron ang mukha ng taong iyon.

"Napanuod ko ikaw maglaro. Ang galing mo. Pwede ba kitang maging kaibigan? Alam mo kasi... fan ako ng basketball!" nakangiting winika ng babae na nagpaatras sa binata. Inalis nito ang angas na ipinapakita sa kanya ni Baron.

Bahagyang napatawa si Baron sa narinig niyang iyon. Ayaw niya iyong tanggapin, subalit, magmula ng araw na iyon---si Arriane ay naging parte na ng kanyang pang araw-araw na buhay. Palagi siya nitong sinasamahan sa mga basketball na dadayuhin nila at ang dalaga ang palaging nagchi-cheer sa kanila. Dahil doon ay hindi na magawa ng binata ang madalas niyang ginagawang kalokohan dahil dito. Dahil sa dalaga, napansin na rin ng mga tropa ni Baron na nagbabago na ang kanilang tumatayong lider ng team.

Nakikita na nilang ngumingiti si Baron at parang palagi na itong masaya lalo na kapag kasama at kausap si Arriane. Ilang buwan nang nangyayari iyon, hanggang sa nalaman na lang ng binata na may boyfriend na ang dalaga. Sinagot na nito ang basketball player na ikinukuwento niyang nanliligaw rito.

Sinuportahan iyon ni Baron, bilang isang mabuting kaibigan sa dalaga. Hangad din naman niya ang kasiyahan nito at kahit na alam niya sa kanyang sarili na may nararamdaman siya para rito, ay naging masaya siya para kay Arriane.

*****

NASA possession na ng Canubing Panthers ang bola at hawak ito ni Baron na kasalukuyang dinidepensahan ng player na si Harold Salazar. Nginisian ng binata ang kalaban habang hawak ang bola. Nasa isip din niya ang kagustuhang ipahiya ito sa larong ito. Gusto niya itong talunin, isang bagay na nais niyang gawin dati nang magkaroon sila ng pagkakataong magkaharap sa isang opisyal na laro sa loob ng court.

"Masyado kang mayabang Salazar," sambit ni Baron at isang malakas na drive ang kanyang ginawa. Ginamitan niya ng lakas ang kanyang defender na nagagawa naman siyang sabayan.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa akin gago," wika naman ni Harold na nilabanan gamit ang lakas si Baron. Nagkagitgitan sa court ang dalawa na naging dahilan upang mas lalong maging maingay ang mga manonood.

Mabilis na huminto si Baron at pinatalbog nang mabilis ang bola sa pagitan ng kanyang mga binti. Si Harold ay mabilis naman siyang hinarangan at inabangan ang kanyang balak gawin.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now