Bola 19

467 39 1
                                    


Bola 19

SA PAGSISIMULA ng second quarter ay ibang Mendez na ang nagpakilala sa lahat. Dahil sa pagkawala ni Baron sa kanilang koponan ay kailangan na niyang mas maging agresibo. Alam din kasi niyang malaking kawalan ang pagkawala nito, ngunit hindi ibig-sabihin noon ay matatalo na kaagad sila sa game na 'to.

May taglay ring galing ang mga kasamahan niya at nakadepende ito sa magiging sitwasyon ng laro. May mabilis pa siyang mga kakampi at mayroon ding alam niyang hindi siya masasabayan. Isa pa, kailangan nilang maging magaling sa depensa. Unang-una pa lang na nakapaglaro siya ay ito na ang pinakapundasyon ng kanyang galawan.

Depensa! Kailangan ito sa bawat laro upang manalo.

Hiningal si Mendez sa muling pagpapatuloy ng laro. Ang dalawa niyang steal mula kay Vallada ay talagang nakakapagod lalo't hustle kung hustle ang ginawa niya. Isa pa, ang reverse lay-up na kanyang binitawan ay pinilit lamang niyang maipasok. Akala nga niya ay sasablay iyon, pero hindi siya binigo ng kanyang kanang kamay na bahagya niyang ikinangiti.

"Manood ka kuya Baron... Ipapakita ko sa iyo ang larong kaya ko sa loob ng court."

Pagdating ni Vallada sa side nila ay kaagad itong nilapitan ni Mendez. Bahagya ring nakababa ang kanyang hita upang hindi siya basta mapatalsik kung sakaling gamitan siya ng lakas ng kanyang binabantayan. Mas malaki ito at mas may pwersa kumpara sa kanya, ngunit kailangan niya itong sabayan dahil walang ibang dedepensa rito kundi siya lamang.

"Pinapahanga mo ako Mendez... pero," wika ni Vallada sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang defender niya. Mabilis nga siyang tumingin kay Mendoza at ganoon din kay Hernandez. Isa iyong signal para sa dalawa. Dito ay mabilis na tumakbo palapit sa kanya ang mga ito.

"Sa oras na malibre ako ay hindi na ninyo ako mapipigilan. Ipapakita ko sa inyo ang shooting ni Mildred Vallada."

Sa paglapit ni Mendoza sa kanyang kaliwa ay agad naman siyang nag-drive papunta rito. Isang screen ang ibinigay nito at si Mendez ay bumangga rito, na naging dahilan upang ma-delay ang paghabol nito sa kanya.

"Gagamitan niya ako ng screen," sambit ni Ricky sa sarili at malaki talaga ang magiging advantage ni Vallada kapag ganito ang mangyayari.

Wala nang ibang choice si Martin kundi lumipat ng pagbantay kay Vallada na kasalukuyan nang nakapwesto sa isang magandang lugar sa three points area. Hinabol niya ito at mabilis na hinarangan ngunit nang lapitan niya ito ay isang mabilis na takbo pauna ang ginawa nito, dahilan upang sabayan niya ang ginawa nito.

Napangisi pa si Vallada sa reaksyon ng bumantay sa kanya. Isang mabilis na pagtalon paatras ang kanyang biglang ginawa, bumalik siya sa dati niyang pwesto. Isang mabilisang step-back iyon at ang laki ng inilayo niya mula kay Martin.

"Nalintikan na," sambit ni Martin sa sarili at napatakbo muli siya pabalik, ngunit huli na siya para pigilan si Vallada.

Binitawan na ni Vallada ang bola at sa pag-angat noon mula sa kanyang mga kamay, at sa muli niyang paglapag sa sahig ng court, ay ang mabilis niyang pagtalikod at pagtaas ng kanyang dalawang kamay.

Sigurado siyang papasok iyon at hinalit nga ng bola ang net ng ring nang makapasok ito. Ang crowd ng Palhi ay napa-cheer nang malakas dahil sa ginawang iyon ni Mildred Vallada. Naglakad na siya pabalik sa side nila at ganoon din ang mga kasamahan niya upang mag-abang sa pagbaba ng team ng Canubing 1.

"Simula pa lang iyan..." mahina pa nitong sinabi at bumaba muli sa dalawa ang lamang nina Mendez sa score na 26-24.

"Huwag nating papuntusin ang Canubing!" malakas na sinabi ni Vallada at malakas na oo naman ang sinagot sa kanya ng mga kasamahan niya.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now