Bola 18

419 36 0
                                    


Bola 18

"ANG MGA tulad mong barumbado ay sa larong kalye lang nababagay!"

Ang mga salitang ito na lumabas mula sa bibig ni Ken Mendoza ang agad na nagpadilim sa paningin ni Baron. Nagpintig ang kanyang tainga at gamit ang natural niyang lakas ay nagawa niyang makawala mula sa mga kasamahang pumipigil sa kanya.

Isang suntok sa bibig ang mabilis niyang pinakawalan at nawala na sa kanyang isip na siya ay nasa loob court at nasa isang laro. Katulad din ito nang nangyari sa kanya noon sa isa niyang larong kasama ang team ng Canubing 1.

"Pangkalye ang ugali mo at wala kang puwang sa court na ito ang mga tulad mong barumbado!"

Pagkasuntok ni Baron ay agad siyang dinumog ng mga players ng Palhi. Ang magkabilang bench ay napatakbo patungo sa loob at isang kaguluhan sa sa court ang naganap. Ang pangyayaring ito ay napanood din ng mga nasa kani-kanilang bahay, at ang mga ito'y nabigla sa kanilang mga nasaksihan sa kanilang telebisyon.

"Hayop ka Baron! Wala kang sportsmanship!"

"Sira-ulo! Dapat sa 'yo ay hindi na pinaglalaro. Mag-boxing ka na lang!"

Ang team ng Canubing 1 ay walang nagawa kundi ang palibutan si Baron na makikitang may dugo na rin sa ulo at mukha dahil sa pagdumog ng ilan mula sa kalabang team. Ang mga referees ay namagitan na at ilang security na rin ang nasa loob na rin ng court upang maiwasan pa ang anumang hindi magandang mangyayari sa lugar.

Matapos ang ilang pag-uusap sa pangunguna ng coaches ng dalawang koponan ay nagsilabalikan na sila sa kani-kanilang benches. Agad na nilapatan ng paunang lunas ang bibig ni Ken Mendoza na nagdurugo dahil sa pagputok ng labi nito dahil sa suntok ni Baron na hindi naman niya inaasahan.

Samantala, tahimik namang naupo si Baron at hinihingal matapos ang mga nangyaring iyon. Para siyang natauhan, lalo na nang marinig ang mga sinasabi ng mga kasamahan niya sa koponan.

"Sabi ko na sa inyo Kap kahapon pa na huwag na nating isali sa line-up ang isang iyan. Paano kung ma-disqualify tayo?" seryosong winika ni Manong Eddie matapos pang sulyapan ang nakatulala pang si Baron.

"Tay, sinabi ko na sa inyo ito kagabi. Pero kung ako ang masusunod, hindi na dapat natin pinasali iyan sa team. Perwisyo lang ang dala niyan. Inuuna pa ang init ng ulo kaysa laro," wika naman ni Konsehal Wilbert sa kanyang ama. Nasa tabi pa nito si Mei na nakahawak sa kanyang papa.

"Pabida kasi iyan. Walang alam sa basketball," bigla namang nasabi ni Martin na masama pang tiningnan si Baron habang nakakuyom ng kamao.

Naririnig ni Baron ang lahat ng mga sinasabing iyon ng kanyang mga kasamahan at kagaya ng nangyari noon, puro masasakit na salita ang ibabato ng mga ito sa kanya. Napalinis na lang siya ng kanyang tainga gamit ang kanyang daliri para ipakitang naririndi siya sa mga sinasabi ng kanyang mga kasamahan sa team na ito.

"Aalis na ako. Hindi na ako maglalaro pang kasama ang walang kwenta ninyong koponan!" Tumayo na si Baron at kinuha ang kanyang towel para punasan ang dugo sa kanyang mukha. Isa pa, alam na rin naman niya ang magiging hatol ng mga referee sa kanya. Ejected siya sa laro at masususpinde pa siya, o kung mamalasin ay baka hindi na talaga siya makasali sa ligang ito kahit kailan, kahit pa gustuhin niya.

Naglakad na si Kap sa unahan ng binatang si Baron at makikitang nagtitimpi lang ito. Gustong-gusto niyang pagsalitaan ng masama ang binata, pero alam niyang ito na ang ugali ng isang ito noon pa. Dahil sa pagiging broken family ni Baron ay nagkaroon ito ng ganitong ugali. Hindi rin ito nakikisama at kahit pakitaan ito ng maganda ay tila wala itong pakialam.

KINBEN II (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang