Bola 53

409 37 1
                                    


Bola 53

NABIGLA si Ricky nang may nagpunas ng kanyang pawis mula sa kanyang likuran. Hinampas pa siya nito sa ulo nang bahagya at dito na siya napalingon para malaman kung sino iyon. Sa pagtatagpo ng mata niya at ng taong iyon ay nabigla kaagad siya. Unti-unti siyang napangiti at hindi na niya iyon napigilan.

"A-ano'ng ginagawa mo rito A-andrea?" bulalas ni Ricky at ang mga kasamahan niya ay napalayo mula sa binata.

"Ibang babae na naman... Ngayon ko lang naisip na maraming chix ang lokong ito," wika ni Martin sa kanyang sarili habang nakatingin sa kakampi niyang si Mendez.

"Ricky boy? Sino ba talaga?" natatawang tanong naman ni Manong Eddie at nagtawanan sila nang sandaling iyon.

Natatawa na parang hindi ang naging reaksyon ni Ricky at napatingin muli kay Andrea. Nginitian niya ito at dito na siya nagsalita. "Hindi mo talaga ako matitiis?" wika ng binata at ibinato ng dalaga sa kanyang mukha ang towel nitong hawak.

"Magpahinga ka na Mendez! Iche-cheer ka namin ni Rich!" pasupladang winika ni Andrea na nilapitan si Rich na napapatawa sa kaganapan sa dalawa.

"Napaka-obvious mo Andrea! Bakit nagpunta ka pa rito? Nakakahiya!" sigaw naman ni Andrea sa kanyang sarili. Nginitian niya si Rich at ipinakitang parang wala lang ito, pero ang tunay na dahilan kaya nagpunta siya rito ay para bantayan si Mendez. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano.

"Magkaibigan sila!" wika ni Andrea sa sarili at nginitian niya si Rich na nasa kanyang tabi.

"Mas lalakas ako kasi nandiyan ka na sa likuran ko," nakangiti namang winika ni Ricky sa dalaga at kinunutan naman siya ng noo nito.

Si Rich naman ay napatawa nang marinig iyon. "Dumating na ang kanyang special someone," ani ng dalaga na sinabayan ng sulyap sa nakatayong si Andrea sa tabi niya.

"S-special someone?" tanong ni Andrea.

"He told me na ikaw raw ang kanyang special someone," sagot ni Rich at napatingin naman sandali si Andrea kay Ricky.

"Ikinwento ba niya ako sa iyo?" mahinang tanong ni Andrea at isang ngiti ang isinagot ni Rich.

"Slight?" tugon ni Rich na may kasamang kaunting pagngiti.

"Eto upuan," ani naman bigla ni Ricky na biglang lumitaw sa kanilang harapan na may hawak na monobloc chair.

"Ano'ng mga pinagsasabi mo kay Rich tungkol sa akin? Sumagot ka Mendez!" tanong ni Andrea habang nakatingin kay Ricky na nakatingin lang din sa kanya.

"Gusto mo bang malaman?" panabik na tugon naman ng binata matapos ilagay sa tabi ni Andrea ang upuan niyang dala.

"E-eh... Oo!" sagot ni Andrea at umupo na siya sa ibinigay ni Ricky na monobloc.

Isang ngiti naman muna ang itinugon ni Ricky sa dalaga bago siya sumagot.

"Sinabi ko kay Rich na ikaw ang reason kaya ako naging magaling na basketball player. Ikaw ang nagturo sa akin na depensa muna dapat. Ikaw rin iyong palaging sumusuporta sa bawat game ko..." malumanay na tugon ni Ricky at napaseryoso naman si Andrea sa mga narinig niya.

Bumalik sa alaala niya ang mga masasaya nilang sandali dahil doon kaya napabuntong-hininga siya para ikalma ang kanyang sarili. "Magpahinga ka na Mendez! Dapat panalo kayo! Dahil kung hindi, lagot ka sa akin! Huwag ka nang pupunta sa bahay kapag natalo kayo!" ani Andrea at pinamulahan siya pagkatapos dahil kinantyawan siya ng mga kasamahan ni Ricky sa Panthers.

"Kung ganoon, ikaw pala ang syota ni Ricky Boy! Kaya pala ang galing maglaro nito," nakangiting wika ni Konsehal Wilbert habang nakatingin kay Ricky.

"Sana all!" ani naman ni Manong Eddie at nagtawanan sila dahil doon.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now