Bola 84

370 30 1
                                    


Bola 84

ISANG sandaling paghinga nang malalim at ngumiti si Ricky. Ramdam na niya ang pawis ng kanyang katawan matapos ang ilang minutong paglalaro sa loob ng court.Pakiramdam niya ay kailangan na niyang ipakita ang lahat ng kanyang magagawa dahil kung malalamangan sila ng kalaban nang malaki sa bago pa man pumasok si Mover sa game ay baka mahirapan na silang manalo sa game na ito.

"Hindi ko alam kung kaya ko na bang tapatan si Ibañez, pero kailangang maisahan ko siya," wika ni Ricky sa sarili at isang biglaang tres nang makalampas siya sa half-court ang pinakawalan niya. Hindi iyon inaasahan ng kanyang defender. Sa kabila ng layo noon ay tiwala si Ricky na papasok iyon. Hindi na siya aasa sa tsambang tira ngayon dahil kung papasok ito... Ito ay dahil sa bunga ito ng kanyang pagsisikap na maging isang magaling na player.

43-41 ang naging score, dalawa na lang ang lamang ng Red Lions at natahimik ang crowd ng Camilmil sa nasaksihan nilang iyon.

"Mendez, bukod sa dribbling at handling... Isang sandata pa ang magagamit mo kung mas malaki ang defender mo."

"Ano iyon Macky?"

"Shooting!" seryosong sinabi ni Romero sa kanya at napaseryoso siya nang marinig iyon. Ang isang player na gaya niya ay maliit ang tsansa na makapuntos sa ilalim kung mapapaligiran siya ng malalaking defender.

Ang players ng Panthers na kasama ni Ricky ay napatingin sa kanya at napaseryoso. Si Manong Eddie ay mabilis na humanda para sa pagbalik ng possession sa kanilang kalaban.

"Mga kasama, tulungan natin si Ricky Boy! Huwag nating sasayangin ang mga gagawin niya sa game na ito..." wika ni Manong Eddie na ikinatango naman nina Alfredo, Karim at Tristan.

"Hindi tayo mahinang team... Malakas ang koponan natin! Itatak ninyo iyan sa inyong mga kokote!" winika pa ni Manong Eddie at napangisi silang apat nang sambutin na ni Ibañez ang bola.

"Ang galing ng ginawang iyon ni Mendez," wika ni Karlo sa kanyang sarili at napaatras na lamang siya nang lumitaw sa harapan niya si Ricky. Na-secure niya ang bola dahil nakita niya ang paglapit ng mga kamay nito rito. Ngunit, akala lang niya iyon. Isang biglaan at mabilis na paghakbang ang ginawa ni Ricky at tinapik nito ang bola mula sa kanyang mga kamay na ikinabigla naman ng mga manonood.

Ang bola ay tumalbog palabas ng court, kaso, kilala na ng ilan si Ricky. Hahabulin at hahabulin nito ang bola kapag pwede pang isalba. Kasama na rin sa gagawing iyon ng binata ay ang mabilis na pagpwesto ng kanyang mga kakampi sa komportable nilang lugar sa court.

Nakita ni Karlo ang posibleng mangyari at nang maibato muli ni Ricky ang bola papunta sa malapit na si Eddie Dinglasan. Bumagsak si Ricky sa labas, habangmabilis namansiyang tumalon para pigilan ang tira ng Panthers kaso, ang bola ay tumalbog papunta kay Alfredo Manigbas na mabilis namang nahabol ng mas mababang Clemente para ito ay depensahan. Ngunit muli na namang nagpasa ng bola ang mga nakaitim. Dumiretso naman ito kay Karim na tumatakbo patungo sa ilalim ng basket at ang matangkad na Clemente ay mabilis itong nadepensahan, kaso na kay Tristan Gamboa na ang bola sa paglapit nito rito. Pinakitaan ng magandang ball movement ng Panthers ang kalaban at napangiti si Tristan nang makita niya ang agresibong pagtakbo sa kanya ni Ibañez. Tumalon siya sa ere at sumilay ang ngiti sa labi nang sandaling iyon.

"Kailangang mapigilan ko iyan!" bulalas ni Karlo sa kanyang sarili at buong lakas siyang tumalon sa harapan ni Gamboa kaso nakita niyang lumihis ang mga kamay nito at isa na namang pasa habang nasa ere ang ginawa nito.

Pagkalapag ni Ibañez ay napatingin na lamang siya sa direksyon na pinuntahan ng bola. Ang bilis ng pangyayari, nakita na lang niyang nasa na ere si Mendez. Ang kanang kamay nito ay muli na namang kumuyom at sa paglapag nito sa sahig ng court ay ang magandang tunog na nilikha ng bolang hindi man lang sumabit sa ring. Hinalit nito ang basket at sinundan iyon ng malakas na cheer mula sa kanilang mga supporters. Ang mga nasa bench ay napatayo at napatalon din dahil doon.

KINBEN II (Completed)Where stories live. Discover now