Bola 29

426 39 0
                                    


Bola 29

NAKITA kaagad ni Andrea ang pagdating ni Ricky Mendez. Gusto sana niyang puntahan ito para tanungin kung saan ba ito nanggaling.Gusto pa nga niya itong sermonan, dahil sa nangyari. Pero ano ba ang karapatan niyang gawin iyon?Wala nga siyang ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang binata. Dito niya nasaksihan ang pagkuha nito sa bola at sa pagtira nito mula sa pwestong iyon.

Isang malayong tres at bahagya siyang nagulat sa pagpasok noon sa basket. Alam naman niyang may shooting na ang binata base sa napanood niya noong unang game, pero hindi niya akalaing may mala-Curry na itong galawan pagdating dito. Sa CBL, ilan lang ang mga players na nakakagawa nito, at kung kaya na rin ito ni Mendez... tiyak siyang sa oras na makita ito ng mga taga-ibang paaralan ay sigurado na ang pagbibigay nila ng mahigpit na depensa rito kahit malayo pa lang ito sa basket.

Samantala, matapos ang hamunang naganap mula sa number zero na si Aldaba at kay Mendez ay agad na bumalik sa normal ang tensyon sa paligid. Pagpunta ni Ricky sa bench nila ay bahagya siyang napabuntong-hininga at lihim na napangiti.

"Hindi ko akalaing papasok iyon. Naka-tsamba pa ako," sabi niya sa sarili at nang nasa bench na siya ay sinalubong kaagad siya ng seryosong tingin mula sa kanyang mga kakampi rito.

"S-sorry kap. May unexpected kasing nangyari..." natatawang winika ni Ricky sa kanilang coach at sinira naman ng pagtawa ni Baron ang kaseryosohang iyon.

"Ano'ng nakain mo at hinamon mo si Aldaba? Kaya mo ba siyang talunin? Baka kainin ka niya ng buo sa court?" wika ni Baron na napatayo at inakbayan ang binata.

Nagdilim sandali ang mga mata ni Ricky at sumilay ang ngiti sa labi niya. Pinagmasdan niya ang lahat sabay sabing, "Matatalo ko si Aldaba... S'yempre, sa tulong ninyo!"

"Team tayo mga kuya, hindi ba Kap?"

Napangiti nga ang lahat nang marinig iyon mula sa binata. Alam pa rin pala nito ang kanyang kakayahan at nasa isip pa rin niyang team game ang larong ito.

"Pero nakikita mo ba Mendez ang score? Tambak tayo, may pag-asa pa ba tayo?" nakangising tanong muli ni Baron pero imbis na panghinaan ng loob sa kalamangan ng kalaban ay isang kalmadong ngiti muli ang sumilay sa binata.

Itinuro niya ang scoreboard sa itaas.

"Hangga't hindi pa kuya nauubos ang oras, may pag-asa pa tayong manalo."

Bahagyang natigilan si Baron nang marinig iyon. Pagkatapos ay inalis niya ang pagkakaakbay rito at pinalo sa pwetan si Mendez.

"Tama ka nga... Hindi pa nga tayo talo," wika nito at umupo na muli sa bench at tumingin sa direksyon ng kanilang mga kalaban. Seryoso niyang pinagmasdan si Aldaba na kasalukuyang pinupunasan ng pawis ng sexy nitong girlfriend.

"Kailangan matalo kita, Von Aldaba!"

*****

NAPATINGIN kaagad si Aldaba sa kanyang syota sa pagbalik niya sa bench nila. Alam na nga kaagad ni Samantha ang ibig-sabihin ng tinging iyon kaya agad niyang tinawagan si Vanessa gamit ang kanyang phone.

"Wait lang babe," ani ng dalaga at dito na nga nag-ring ang kabilang linya.

Bumungad sa tainga niya ang tila maingay na kapaligiran sa lugar kung nasaan si Vanessa.

"Hindi na ako interesado sa 10k ng jowa mo Sam..." wika kaagad ng dalaga na bahagyang nagpabigla sa syota ni Aldaba. Kilala niya kasi ang kaibigan niyang ito na raketera at kahit katawan ang kapalit ay papatusin nito basta malaki ang kikitain.

"Why? Sayang ang sampung libo? Easy money iyon friend?" wika ni Samantha na bahagyang lumayo muna sa bench at pagtingin niya sa crowd na nasa kanyang harapan ay nakita niya ang babaeng kausap niya. Naroon na si Vanessa at nakangiti ito habang nakatingin sa kanya.

KINBEN II (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ