PANAGINIP LAMANG BA ITO

8.8K 145 32
                                    

Yaz feel be like

Panaginip lamang ba ito,
Nang ako'y iyong yakapin,
Panaginip lamang ba ito,
Na ako ay nagawa mong isipin.

Panaginip lamang ba ito,
Na ako'y iyong hinagkan,
Panaginip lamang ba ito,
Na ako'y iyong binalikan.

Panaginip lamang ba ito,
Sana ay iyong sabihin,
Panaginip lamang ba ito,
Sana wag mo ko paasahin.

Panaginip lamang ba ito,
Na ika'y ngayon ay kasama,
Panaginip lamang ba ito,
Na tayo ay nasa iisang kama.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now