Yaz feel be like
Nakaharap kami pareho sa salamin,
Nadadala na naman ako sa 'king damdamin,
Sa kanyang nais 'di ako makaangal.
Hanggang sa natangay na ko at 'di 'yon nagtagal.Itong mga nangyayari sa amin, isa bang panaginip,
Sa totoo lang, 'di ko mabasa ang laman ng kanyang isip,
Nagbabago na yata ang ihip ng hangin sa pagitan namin,
Umaasa na iisa na nilalaman ng aming damdamin.Sa bawat danti ng kanyang mga haplos,
Tila balat ko ay unti-unting malalapnos,
Sa aking tabi payapa ang kanyang himbing,
Sa akin ngayon, s'ya'y malambing.Napapaigtad ako sa aking gawing tainga,
Kapag naramdaman ko roon ang kanyang hininga,
Sa bawat pagtakbo ng segundo at oras,
Aking puso tila bumibilis ang karipas.Sa tono ng kanyang pananalita ay seryoso,
Handa na bang magpabihag ang aking puso,
Ngayon ba may aasahan na nga ba ko?
Na makakarinig sa kanya ng isang pangako.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...