Yaz feel be like
Gustuhin ko man na ika'y ipagdamot,
Kaso hindi pa naman ako nakakalimot,
Na sa 'yo ay wala kong sapat na karapatan,
Hindi ko nakakalimutan, kahit na ako'y nasasaktan.Ano nga ba ko sa 'yo, kumpara sa kanya,
Sa harap ng karamihan nakakasama mo s'ya?
Samantalang ako sa nakaw lamang na sandali,
Namamagitan sa atin alam ko na may mali.Sa aking sarili nakararamdam ako ng hiya,
Ano kaya masasabi ng ating pamilya?
Ayoko sana na maging pansamantala lamang ito,
Nananalangin na sana nga ako ay iyong gusto.Nararamdaman ko nararapat pa bang ipaglaban,
O sa mga ipinapakita mo dapat na kong kabahan?
Sa buhay mo sino ako at sino nga ba s'ya?
Sana masagot mo ng maaga para ako na ang kusang didistansya.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...