Yaz feel be like
Ang iyong puso't damdamin tila'y isang bituin,
Na napakaimposibleng nga naman na sungkitin,
Oo nga, ako'y iyong kinakausap at pinapansin,
'Di ko naman malaman kung kaya mo kong mahalin.Anomang mayroon tayo tila nais mong itago,
Kapansin-pansin ang iyong biglaang pagbabago,
Para saan ba ang matamis mong pakikitungo?
Baka ako naman ay iyo lamang sasaktan at iiwanang bigo.Bituin nasa gabi maaaninag sa sobrang ningning,
Kung saan maari ka rin magsabi ng hiling,
Dinalangin ko na sana ika'y matagal kong makapiling,
At ang salitang "mahal kita" nais ko sa iyo mismo manggaling.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
BINABASA MO ANG
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...