Maxrill feel be like
Lumingon ka sa iyong likuran, ako'y nandito lang,
Sa iyo matiyagang naghihintay at sa 'yo'y nag-aabang,
Bibigyan kita ng isang matamis na ngiti,
Subalit may nakakubling lungkot at pighati.Ako'y handang makinig sa iyong mga kuwento,
Magiliw na titikman ang iyong mga niluto,
Sasamahan ka kahit saan ka pa magpunta,
Abala man ako, gagawa ng oras para sa 'yo sinta.Hindi ko sasamantalahin ang iyong kahinaan,
Ipapakita ko ng maayos ang aking nararamdaman,
Umaasa na ako naman balingan mo nang tingin,
Para makita mo sa mata ko ang nilalaman ng aking damdamin.
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...