Yaz feel be like
Kung iisipin ito'y katuparan ng aking pangarap,
Na nakakasama s'ya at ako'y kanyang yakap-yakap,
Subalit sa aking puso ay mayroon pa ring hinahanap-hanap,
Kanyang mga salitang sinasambit kaya ko bang matanggap.Kapag kapiling ko s'ya parang ako'y nasa alapaap,
Sa tuwing s'ya'y aking nakakaharap,
Natatakot ako na basta na lang kumurap,
Baka lahat ng ito'y mawala sa isang iglap.Nadadarang ako sa aking nararamdaman,
Kaya mga nais n'ya'y aking hinahayaan,
Sana sa kanyang puso, ako nga ang nilalaman,
Dalangin ko sanang ito ay pagbigyan.Masaya ko magkasama kami rito sa Palawan,
Na s'ya'y aking nagagawang silbihan,
Kahit sa asta n'ya'y ako'y naguguluhan,
Sarili ko, iniiwasan ko ring kaawaan.Sa ngayon ay wala akong pakialam,
Mahal ko s'ya, iyon ang tangi kong alam,
Pag kasama ko s'ya, langit aking pakiramdam,
Pero 'di ko kinakaila rito sa puso ko mayroon pa ring agam-agam.
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
YOU ARE READING
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoetryAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...