ZAIMIN YAZ

331 4 0
                                    

Hindi inaasahan noon ang pagdating n'ya,
Turing ni Naih sa kanya ay kakompetensya,
Isang dalaga na nagpapanggap na masaya,
Na ang totoo ay may mga bumabagabag sa kanya.

Ang pananatili n'ya sa Laguna ay may dahilan,
Dalawang lalaking Del Valle ay kanyang nakilalan,
Ang humanga sa panganay ay 'di n'ya napigilan,
Ang pagbabago ng bunso 'di n'ya alam kung kelan.

Ilang beses na nga ba nasaktan ang tulad n'ya,
Sa una n'yang inibig s'ya ba'y nagparaya?
Ngayon ay nalilito s'ya sa inaasta ng magkuya,
Sino ba ang lalaking nakalaan para sa kanya.

Zaimin Yaz Marchessa ang kanyang pangalan,
Ang umasa hanggang kelan n'ya matatagalan?
Pag-usbong ng isang pagtingin, kanya pa bang mapipigilan,
Kung sa bawat ipinapahiwatig nila s'ya'y natitigilan.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz