Chapter 3 (Yaz)

1.2K 22 0
                                    

Yaz feel be like

Mga sinabi n'ya ay di ko malimutan,
Lalo pa ako ay kanyang nasaktan,
Umiiwas ako sa kanyang tingin,
Mga titig n'ya di ko kayang salubungin.

Magkasama sila at magkatabi,
Wala na kong ibang masabi,
Gusto ko muna maging tahimik,
Pili lang kung ako'y umimik.

Di ko alam ano nais n'yang palabasin,
Ngayon gabi ako ay kanyang pinapansin,
Mabuti na lamang si Maxrill ay dumating,
Atensyon ng lahat sa kanya bumaling.

Sa paraan ng kanilang pag-uusap tila mag-aaway,
Mabuti na lamang sa kanila ay may sumuway,
Si Maxrill ay aking inasikaso at kinuha ng pagkain,
Si Maxwell masama na ang pagkakatingin sa 'kin.

Hindi ko mawari ang kanilang inaasta dalawa,
Ang sumama rito magsayaw s'yang aking nagawa,
Ayoko at natatakot ako na s'ya'y aking masaktan,
Sana nagkakamali ako ng kutob at nararamdaman.

Ako ay napapailing na lang sa 'king naiisip,
Malayo iyon mangyari baka ako ay nanaginip,
Malaki ang agwat ng edad namin,
Malabo sa 'kin may kakaiba s'yang damdamin.

Dedicated Poems for Love without limits by: MaxinejijiWhere stories live. Discover now