Yaz feel be like
Napakahirap na lihim kang nasasaktan,
Sa posisyon na wala kang malinaw na karapatan,
Sarili ko ay ilang beses ko na ring pinapagalitan,
Bakit ba kayhirap aminin ang tunay nasa atin ay namamagitan.Naisin ko man lahat nang lumalapit sa 'yo ay sungitan,
Subalit pinipigilan ko, dahil wala akong sapat na karapatan,
Tanggap ko, ang tulad ko ay mabilis mo lang din naman mapapalitan,
Nararapat ba na ang damdamin ko para sa 'yo ay ipaglaban pa o tuluyang kalimutan.Hindi ko nga alam, kung bakit pa ko nandito,
Ano nga ba ang tunay kong papel dito?
Kulang na lang isigaw ko, na ako'y nandirito,
Mahal kasi kita, kaya ako'y nagkakaganito.Nadarama ko para sa 'yo ay kayhirap na ihinto,
Laman ka ng aking isip minu-minuto,
Puso at isip ko pareho na ring nalilito,
Sitwasyon nating malabo, kaya ko pa ba tagalan ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/109941711-288-k32826.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Dedicated Poems for Love without limits by: Maxinejiji
PoesíaAng istoryang ito ay isinulat ni Miss Maxine Lat. LOVE WITHOUT LIMITS #LWL #DELVALLE #MAXINEJIJI Naka published na ulit ito sa wattpad ngayon. Ang mga tulang nakapaloob dito ay mga sa tingin kong nararamdaman ng bawat tauhan ng istoryang ito. Ka...